CESU NG KIDAPAWAN GINAWARAN NG FUNCTIONALITY AWARD NG DOH-CHD12

You are here: Home


NEWS | 2022/12/20 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 20, 2022) – DAHIL sa ipinakitang sigasig at mahusay na pamamalakad ng kanilang tanggapan, ginawaran ang City Epidemiology Surveillance Unit o CESU Kidapawan ng Epidemiology Surveillance Unit Functionality Award mula sa Dept of Health – Center for Health Development o DOH-CHD Region 12 o SOCCSKSARGEN Region.Ginanap ang Awarding Ceremony sa Narra Hall, Paraiso Verde Hotel sa Koronadal City nitong nakalipas na linggo jung saan dumalo ang mga awardees mula sa iba’t-ibang Epidemiology Surveillance Units (ESU) mula sa rehiyon.Naging basehan ang mga sumusunod na criteria sa pagbibigay ng nabanggit na parangal: Early reporting of notifiable diseases, Weekly submission of Morbidity Week Bulletins, Active surveillance, Designated office/vehicle for investigation and communication, at Designated manpower. Lahat ng ito ay taglay ng Kidapawan CESU kung kaya’t nasungkit nito ang nabanggit na award. Pormal namang tinanggap ni Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama sina City Health Officer Dr. Joyce Encienzo at Assist City Health Officer Dr. Nadine Paalan ang Plaque of Recognition na may lagda ni DOH12 Regional Director Aristides Concepcion Tan sa Flag Ceremony nitong Lunes, December 19, 2022. Sinaksihan ito ng iba pang mga opisyal ng lungsod na kinabibilangan ni City Vice Mayor Melvin Lamata, Jr. at mga City Councilors na sina Galen Ray Lonzaga, John Roy Sibug, at ABC Federation President Morgan Melodias.Matatandaang naging abala ang CESU Kidapawan nitong nakalipas na dalawang taon dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan mahusay nitong pinangasiwaan ang COVID-19 monitoring and surveillance, at iba pang gawain na may kaugnayan sa COVID-19 response at iba pang uri ng karamdaman.Ginampanan din ng CESU ang pagbibigay ng wasto at makatotohanang impormasyon patungkol sa COVID-19 cases sa lungsod na nakatulong ng malaki sa mamamayan. (CIO-jscj//if//photos by CESU Kidapawan)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio