ELECTRONIC BUSINESS ONE-STOP-SHOP MAS PINAHABA PA ANG ORAS

You are here: Home


NEWS | 2023/01/18 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 18, 2023) – UPANG mas maraming mangangalakal pa ng lungsod ang mapagsilbihan ng E-BOSS, pinalalawig pa ng City LGU ang oras ng transaction ng Electronic Business One-Stop-Shop mula alas-otso ng umaga hanggang alas siyete y media ng gabi (8:00 AM – 7:30 PM) o karagdagang dalawa at kalahating oras mula ngayon, Enero 18 hanggang Byernes, Enero 20, 2023.Ito ay ayon kay Redentor Real, ang City Treasurer ng Lungsod ng Kidapawan kasabay ang panawagan sa lahat na samatalahin ang pagkakataon para makapag-apply o makapag-renew ng Business Permit ng kani-kanilang mga negosyo para sa taong 2023. Sakop ng dagdag na oras ang mga lokasyon ng Electronic BOSS na ginaganap sa City Gymnasium at Mega Market (Old Terminal) kung saan ay nakaantabay ang ibat-ibang mga tanggapan ng City LGU katulad ng Office of the City Treasurer, City Building Official, Office of the City Assessor, City Health Office, City Tourism Office, City Environment and Natural Resources Office, City Engineering Office lalong lalo na ang Business Permit and Licensing Office ganundin ang mga ahensiya tulad ng Dept of Trade and Industry, Bureau of Fire Protection, at iba pa.

Kaugnay nito, inaasahan ang mas malaking bilang ng mga mabibigyan ng serbisyo sa pamamagitan ng pinalawig na Electronic BOSS kung saan mabilis, organisado, at mas maginhawa ang pagproseso ng business permit ng mga negosyante. (CIO-jscj//if)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio