PAGBUBUKAS NG MITSUBISHI MOTORS DEALERSHIP SA LUNGSOD PATUNAY SA IBAYONG SUPORTA AT KUMPIYANSA NG BUSINESS SECTOR SA CITY GOVERNMENT

You are here: Home


NEWS | 2023/01/18 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 18, 2023) – PINAPURIHAN ng mga opisyal ng Mitsubishi Motors Philippines Corporation ang City Government of Kidapawan sa mahusay na pamamahala dahilan kung kaya marami pang malalaking negosyo ang papasok at maglalagak ng kapital sa lungsod.

Ito ang ipinaabot na mensahe ng pamunuan ng Mitsubishi sa City Government sa pamamagitan ng Mindanao Integrated Commercial Enterprises Inc o MICEI na siyang franchise holder ng Mitsubishi sa SOCCSKSARGEN o Region 12 sa Grand Opening ng kanilang dealership branch sa lungsod, umaga ng Miyerkules, January 18, 2023.

Ipinaabot ito ni MICEI President Nereo Placido Regollo, Jr., sa kanyang welcome remarks sa pagbubukas ng kanilang branch kung saan ay opisyal na ring binuksan para sa publiko.

Nangangahulugan ng dagdag na trabaho ang pagbubukas ng naturang sangay ng Mitsubishi kung saan mahigit sa P100 M ang pumasok na investment na mapapakinabangan ng Lungsod ng Kidapawan at mga karatig-bayan nito sa Lalawigan ng Cotabato.

Bilang panauhing pandangal sa okasyon, sinabi ni Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na tumutugma ang mithiin ng Mitsubishi sa layunin ng kanyang liderato na tulungang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng lungsod na matupad ang kanilang pangarap tungo sa maginhawang pamumuhay.

Maliban kay Mayor Evangelista, panauhing pandangal din sa Grand Opening ng Mitsubishi Kidapawan si Cotabato Governor Emmylou Taliño- Mendoza at mga matataas na opisyal ng kumpanya sa Pilipinas at sa bansang Japan.

Matatandaang noong September 28, 2021 ng pangunahan ni dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board member Joseph A. Evangelista at mga opisyal ng MICEI ang groundbreaking ng Mitsubishi dealership na matatagpuan sa Purok Manga, Kilometer 115 Barangay Paco Kidapawan City.

Positibo ang naging tugon ng dating alkalde noon dahil mangangahulugan sa mahigit P100 Million ang puhunang ipinasok ng MICEI at MMPC sa lungsod.

Bukas na Ang Mitsubishi GenSan dealership para sa mga nagnanais bumili ng bagong sasakyan sa Kidapawan City matapos ang formal opening ceremony.

Maliban sa pagbebenta ng bagong mga sasakyan ay magbibigay serbisyo din ang Mitsubishi para naman sa mga after-market sales gaya ng mga genuine parts at vehicle maintenance sa pamamagitan ng kabubukas lang nitong dealership branch sa Kidapawan City .#(CMO-CIO)

luntiankidapawan



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio