NEWS | 2023/03/15 | LKRO
KIDAPAWAN CITY β MULING namigay ng libre ayuda sa pamamagitan ng hog dispersal ang City Government of Kidapawan sa mga identified hog raisers na matinding naapektuhan ng African Swine Fever o ASF nitong nakalipas na taon. Ngayong araw ng Miyerkules, March 15, 2023 ay nanguna si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista Kasama SI City Veterinarian Dr. Eugene Gornez sa pamimigay ng mga biik sa 25 mga identifed beneficiaries ng porgrama.Bahagi ng ASF Recovery Program ang nabanggit na tulong. Sa kanyang mensahe sa mga beneficiaries, sinabi ni Mayor Evangelista na paraan ito ng City Government para tulungang makabangon ang mga nag-aalaga ng baboy o hog raisers sa pinsalang idinulot ng ASF sa kani-kanilang mga lugar. Matatandaang nagpatupad ng βcullingβ ang City Government upang mapigilan ang pagkalat pa ng sakit na siya namang naka-apekto ng malaki sa kabuhayan ng mga nag-aalaga ng baboy. Tumanggap ng dalawang biik ang bawat recipient ng programa. Kalakip din ang starter feeds (40 kilos starter, 1 sack/31 kilos grower, at 2 sacks finisher 6 kilos) bawat head bilang pangunahing pagkain ng biikLumagda din sila sa isang Memorandum of Agreement o MOA kung saan nakasaad na mula sa City Government ang mga biik at tungkulin ng mga nakatanggap na alagaan at paramihin ang mga ito. Wala ng babayarang halaga ang bawat recipient pabalik sa City Government mula sa biik na kanilang tinanggap. Tanging babayaran na lamang nila ay ang kalahati sa kabuo-ang halaga ng feeds sa City Government. Ginawa ito upang matiyak na magpapatuloy ang maayos na programa ng hog dispersal para naman sa iba pang mga naapektuhan ng ASF.Nagpadalamat naman ang mga recipients sa natanggap na ayuda Mula sa City Government na naglalayong unti-unti silang makakabangon mula sa kasiraang idinulot ng ASF. (CIO)