NEWS | 2023/03/28 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Marso 27, 2023) β MATAPOS ang ginawang practical exam ng abot sa 27 mga butcher o matadero nitong Biyernes, Marso 24, 2023 ay tuloy-tuloy na ang operasyon ng Kidapawan City Slaughterhouse o mas kilala sa tawag ng Kidapawan βAAβ Slaughterhouse ngayong araw ng Lunes, Marso 27, 2023. Matatandaang natapos na ang isinagawang dry run ng bagong slaughterhouse na matatagpuan sa Barangay Kalaisan ng lungsod partikular na ang mga bagong pasilidad nito na kinabibilangan ng lairage/holding pen, restraining/stunning box, scalding vat, hoist, manual pulley system, dehairing platform pati na evisceration/splitting platform, offal cleaning room, meat hanging area at meat van.Nagkakahalaga ng P25M ang Kidapawan City Slaughterhouse na isang counter-parting project sa pagitan ng National Meat Inspection Service ng Department of Agriculture o DA-NMIS (P10M) at ng City Government of Kidapawan (P15M).Makakaya ng bagong slaughterhouse ang pagkatay ng mula 10-12 cattles o baka at mula 50-60 hogs o mga baboy bawat araw.Ang City Veterinarian Office sa pangunguna ni Dr. Eugene Gornez ang mangangasiwa sa technical aspect partikular na sa paggamit ng mga bagong makinarya o pasilidad ng Kidapawan βAAβ Slaughterhouse.Malaking pakinabang naman sa mga mamamayan ng lungsod ang pagkakaroon ng modernong slaughterhouse dahil makatitiyak na maayos at nasusunod ang mga itinakda ng NMIS pagdating sa wastong pagkatay ng mga hayop tulad ng baka, baboy, at kambing na siya namang mandato ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa OCVET at sa Local Economic Development and Investment Promotion o LEDIPO at Market Administration na siyang mga tanggapan nangangasiwa sa operasyon ng slaughterhouse. Naigawad naman sa Kidapawan City Slaughterhouse o βAAβ Slaughterhouse ang kinakailangang License to Operate o LTO kung kayaβt tuloy-tuloy na ang operasyon ng naturang pasilidad. (CIO)