NEWS | 2023/03/31 | LKRO
Maaalala na ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan sa pamamagitan ng opisina ng City Tourism (KCTPO) at Traffic Management and Enforcement Unit (TMEU) ay nagsimulang isagawa ang oryentasyon para sa mga kwalipikadong traysikel na opereytor at drayber na opisyal na makapagpasakay ng mga delegado sa nalalapit na SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet ngayong Abril 24-29, 2023.
Ang nasabing oryentasyon ay dinaluhan ng mga ibaโt-ibang kwalipikadong miyembro ng mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) sa tulong ni G. Jabbi Omandac, ang Presidente ng Federation of Tricycle Operators and Drivers Associations o FKITA.
Kasama sa programa ng nasabing oryentasyon ay ang Values Formation with Life Skills Training on Communication Styles by Mr. Michael Joseph Salera, Project Development Officer II of CSWDO, Republic Act No. 11313 or the Safe Spaces Act / Bawal Bastos Law by Ms. Ivy Mae Vios-Getutua, Legal Assistant ng City Legal Office at Traffic Rules & Regulations, and Fare Matrix by Ms. Richelle Taclindo, Head of Planning and Enforcement ng TMEU.
Inaasahan na ang lahat ng mga leksiyon sa oryentasyon ay madadala at patuloy na maaalala ng lahat lalo na sa nasabing okasyon.
Lubos naman ang pasasalamat ng lahat kay City Mayor, Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa oportunidad na binigay nito para sa kanila at sa insentibong ipinagkaloob.
Magpapatuloy naman ang oryentasyon sa natitirang iskedyul sa Abril 3, 4, 11, 12, 13, 17 & 19 sa City Convention Hall.
Para sa mga nais sumali sa oryentasyon at maging isang ganap na luntian trike, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng City Tourism o Pag-amuma (dating Brgy. Affairs) at hanapin lamang si G. Jabbi Omandac.