π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¦ π—‘π—š π—–π—œπ—©π—œπ—Ÿ π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗑𝗔 π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗔𝗖𝗖𝗨π—₯𝗔𝗖𝗬 π—₯π—”π—§π—˜ 𝗧𝗔π—₯π—šπ—˜π—§ π—‘π—š π—Ÿπ—–π—₯ π—‘π—š π—žπ—œπ——π—”π—£π—”π—ͺ𝗔𝗑

You are here: Home


NEWS | 2023/03/31 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 30, 2023) – SA pamamagitan ng one-day seminar-workshop na pinangunahan ng Local Civil Registry ng Kidapawan City kahapon Marso 29, 2023 ay tiyak na mapalalakas pa ang Civil Registration o ang pagpapatala ng birth, marriage, death certificates, ng mga mamamayan ng lungsod.Ang naturang aktibidad na ginanap sa City Convention Center ay may temang β€œStrengthened Civil Registration Through High Registration Accuracy” seminar-workshop na dinaluhan ng abot sa 20 mga government nurses at lying-in clinics sa lungsod kung saan nabigyan sila ng karagdagang impormasyon sa wastong pagpapatala ng civil registry documents tulad na lamang ng mga nabanggit na dokumento, ayon kay Acting Local Civil Registrar Mercedes Tolentino.Sa ngayon ay ang LCR Kidapawan ang nagpoproseso ng mga dokumento para sa birth, marriage, and death certificates kung kaya’t unti-unti ay binigyan din ng sapat na kaalaman ang mga personnel sa pampublikong hospital tulad ng nurses at iba pa na matutunan ang paglalagay ng wastong impormasyon sa mga dokumento tulad ng date and place of birth, date and place of death, at iba pang impormasyong inilalagay sa mga civil registry documents.Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang mga delay, errors, at iba pang problem sa mga birth, marriage, at death certificates, ayon pa kay Tolentino at mas magiging madali para sa mga residente ang makaproseso ng iba pang transaksyong nangangailangan ng mga civil registry documents.Dalawang opisyal mula sa Philippine Statistics Authority o PSA Cotabato ang naging speakers sa seminar-workshop at ito ay sina Sally Fe Dalo-on, Registration Officer II na nagbahagi ng Basic Concept and Procedures of Civil Registration (birth and death certificates) at Engr. Belinda Penuela, Chief Statistical Specialist na nagbahagi naman ng RA 9255 – An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father, Amending for the Purpose Article 176 of EO 209 Family Code of the Phils at RA 9858 – An Act Providing for the Legitimation of Children Born to Parents Below marrying Age- Amending for the Purpose the Sec. 1 Art 1 of EO 177 Family Code of the Philippines. Matapos ang lectures ay nagkaroon ng Open Forum ang mga speakers, participants at mismong LCR employees kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makapagtanong at masagot ang ilang mga mahahalagang bagay sa paggawa ng civil registry documents.Sinundan naman ito ng workshop partikular na kung papano mag-fill out o papano ilalagay ng tama ang mga data sa Certificate of Live Birth (COLB) at Certificate of Death (COD) na malugod ding ginawa ng mga partisipante.

Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng pamimigay ng Certificate of Appreciation and Certificate of Participation sa mga speakers at participants. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio