KIDAPAWAN CITY (Abril 25, 2023) โ PORMAL ng binuksan at ganap ng operational simula ngayong araw na ito ng Martes, Abril 25, 2023 ang Civil Registry System Outlet sa Lungsod ng Kidapawan.
Nanguna sa inauguration ng CRS Outlet si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na una ng lumiham sa Philippine Statistics Authority o PSA at sa Regional Development Council 12 at hiniling na maitayo ang naturang outlet sa lungsod.
Sa pamamagitan ng CRS Outlet o kilala bilang โSerbilisโ Center ay mas mapapadali ang proseso ng issuance and authentication ng mga civil registry documents tulad ng birth certificate, marriage certificate, death certificate at iba pang mahahalagang dokumento tulad ng Certificate of No Marriage o CENOMAR.
Halimbawa nito ay ang pagkuha ng authenticated birth certificate na dati ay aabot ng isa hanggang dalawang linggong pag-antay bago makuha pero dahil sa CRS Outlet ay maaari na itong makuha sa loob ng isa hanggang dalawang oras na lamang.
Malaking pakinabang din ang CRS Outlet para sa mga job applicants na nangangailangan ng civil registry documents at sa mga requirements sa paaralan, passport application, pagkuha ng mga clearances of iba pa tulad ng premium annotation, viewable online transaction, document printing at integration of services with other government agencies.
Ang CRS Outlet ay nagsisilbing private service provider para sa PSA para sa mabilisang proseso ng nabanggit na mga dokumento.
Samantala, dumalo rin sa inauguration sina Cotabato Provincial Governor at RDC Chairperson Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza, 2nd District of Cotabato Representative Rudy Caoagdan na naging instrumento rin upang mapabilis ang paglalagay ng CRSO sa Kidapawan City at si City Councilor Aljo Cris Dizon na nagpahayag ng suporta at pasasalamat sa presensiya ng CRS Outlet sa lungsod.
Sa hanay naman ng PSA ay dumalo sina Undersecretary Dennis Mapa (National Statistician at Civil Registrar General), PSA 12 Regional Director Atty. Maqtahar Manulon, at iba pang opisyal ng tanggapan.
Nagbigay naman ng virtual message si National Economic and Development Authority 12 Regional Director Teresita Socorro Ramos kung saan pinuri niya ang ginawang hakbang ni Mayor Evangelista na magtatag ng isang pasilidad na tulad ng Civil Registry System Outlet na tunay na mapakikinabangan ng mga Kidapawenos at iba pang mamamayan ng lalawigan at mga kalapit probinsiya.
Maliban rito, ay malaking tulong din sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya ang pagkakaroon ng CRS Outlet at hudyat naman ito upang magkaroon ng iba pang tanggapan ng mga regional at maging national agencies sa lungsod.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Evangelista sa mga nabanggit na opisyal ng PSA at NEDA 12 sa kanilang positibong tugon at sa pakikiisa sa hangaring mailapit ang tunay na serbisyo publiko sa mamamayan. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Abril 25, 2023) โ PORMAL ng binuksan ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet โ23, kahapon, Abril 24, 2023 sa Magsaysay Eco-Park, Kidapawan City.
Si Department of Education 12 Regional Director Dr. Carlito D. Rocafort ang nanguna sa pormal na pagbubukas ng SRAA Meet โ23 na siya namang pinakamalaki at pinakaaabangang sports event sa buong SOCCSKSARGEN.
Dumalo ang mga matataas na opisyal ng Lungsod ng Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na una ng tinanggap ang malaking hamon ng pagsasagawa ng SRAA Meet sa lungsod sa kauna-unahang pagkakataon sa harap na rin ng ibaโt-ibang hamon kabilang na ang dalawang taon na natigil ang SRAA dahil sa pandemiya ng COVID-19.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Evangelista ang kahalagahan ng sports at ang papel nito sa pagtamo ng pagkakaisa, kapayapaan, at pagmamahalan ng mga mamamayan ng SOCCSKSARGEN.
Nanawagan din ang alkalde sa bawat stakeholder ng palaro na panatilihin ang sportsmanship, camaraderie, at healthy competition sa pagitan ng mga athletes.
Dumalo rin sa maksaysayang pagbubukas ng SRAA โ23 si Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza, 2nd District of Cotabato Board Member Joseph A. Evangelista, mga city councilors, department heads at mga personnel ng City Government of Kidapawan, DepEd 12 officials, mga sports/technical officials at ang mga libo-libong manlalaro mula sa mga lalawigan ng South Cotabato, (North) Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong, at Kidapawan na lalahok sa SRAA Meet โ23.
Mahigit 6,000 indibidwal mula sa walong delegasyon ang dumagsa sa lungsod para sa SRAA Meet โ23 at kinabibilangan ito ng mga delegation officials, coaches, assistant coaches, trainers, chaperons, at mga athletes at pati na ang general management, Technical Working Group at officiating officials.
Paglalabanan naman ng mga atleta ang humigit-kumulang sa 27 sports events na kinabibilangan ng archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, billiards, boxing, chess, football, futsal, gymnastics, kasama pa ang Sepak Takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis, volleyball ganundin ang wrestling, wushu, dancesport, Pencat Silat, goal ball, bocce, at swimming.
Samantala, nagpakita naman ng talento ang mga miyembro ng Kidapawan City LGU Drum and Lyre Corps at LGU Zumba Dance Group sa pamamagitan ng kanilang mga special number presentation.
Nagtapos naman ang aktibidad sa pamamagitan ng nakakamanghang fireworks display na isang malaking sorpresa ng City Government of Kidapawan para sa mga dumalo sa opening ng SRAA Meet โ23. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Abril 25, 2023) โ BAGO tuluyang buksan ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet 2023 sa Kidapawan City ay ginanap ang unveiling of mural painting sa bahagi ng Quezon Boulevard, National Highway partikular na ang pader sa harapan ng Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral o OLMAG kahapon, Abril 24, 2023., ganap na 3:30 PM.
Makikita sa mural painting ang mga obra-maestra ng mga kasapi ng Irinigyun Artist Guild na nakabase sa lungsod at ito ay ang mga magaganda at makasaysayang lugar o tanawin tulad ng Mt. Apo, highland springs, bulalak, prutas at ang ganda ng kalikasan na matatagpuan sa Kidapawan.
Nanguna sa makasaysayang unveiling si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na una ng nagpahayag na ang nabanggit na mural painting ay bahagi ng pagsusulong ng โLuntian Kidapawanโ at layuning makamit ang sustainable development para sa lungsod.
Dumalo sa aktibidad sina DepEd 12 Regional Director Dr. Carlito Rocafort, kasama ang mga Schools Division Superintendent mula sa SOCCSARGEN kabilang si Kidapawan Schools Division Superintendent Dr. Naty Ocon at iba pa, mga konsehal ng lungsod na sina Gallen Ray Lonzaga, Aljo Cris Dizon, Carlo Agamon, at Michael Earvin Ablang at mga key personnel ng City Government of Kidapawan.
Maliban sa magagandang tanawin ay taglay rin ng mural painting ang seal ng SRAA na sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga lalawigan sa Rehiyon 12 o SOCCSKSARGEN sa pamamagitan ng sports o mga palaro.
Kabilang na ngayon ang mural painting sa OLMAG sa mga landmark ng Kidapawan City na lalo pang magpapakilala sa lungsod bilang isang mapayapa, nagkakaisa, at maunlad na lugar sa Rehiyon 12 as sa buong isla ng Mindanao. (CIO)
The SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet has been officially opened yesterday (April 24, 2023)!
To show our warm welcome and support to every delegate, the City Government of Kidapawan offers a free transportation service to the different Tourism Sites in the city which is dubbed as โSakay-Sakay Kidapawanโ โ a Hop-in, Hop-off tour wherein allotted bus & van vehicles follow certain routes and schedule.
Delegates are free to choose between two (2) itineraries โ brown line & green line โ and are given free boarding passes to which they will present to the tourism personnel/ focal person assigned in each destination. Each Division has its own focal person for the distribution of passes. Thus, ALL ENTRANCE FEES, MEALS, AND OTHER EXPENSES SHALL BE PAID BY THE PASSENGER ONSITE.
The said activity will run on April 27 to 29 (Thursday to Saturday). For the Itinerary and other details, please refer to the photos posted.
KIDAPAWAN CITY (Abril 24, 2023) โ BAGO paman pormal na magbukas ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA โ23 Meet sa Lungsod ng Kidapawan ngayong araw na ito ng Lunes, Abril 24, 2023, ay nagsagawa muna ng ceremonial tree planting activity ang mga partisipante at mga stakeholders ng palaro mula sa City Government of Kidapawan at Department of Education Region 12.
Matagumpay nilang naitanim ang abot sa 1,500 seedlings ng pine trees (Agoho) sa kahabaan ng national highway ng Barangay Balindog, Barangay Paco, Barangay Binoligan, at Barangay Amas (Road right-of-way Balindog-Amas boundary) ganap na alas-siyete ng umaga.
Nanguna sa tree planting si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kasama ang mga Department Heads ng City Government at ang mga counterpart mula sa Department of Education SOCCSKSARGEN o Region 12 sa pangunguna ni Regional Director Dr. Carlito O. Rocafort at iba pang mga dignitaries mula sa kagawaran kabilang ang Schools Division ng General Santos City, Cotabato Province, Koronadal City, Sarangani Province, South Cotabato Province, Sultan Kudarat Province, Tacurong City at Kidapawan City.
Humigit-kumulang sa 200 seedlings ang naitanim ng bawat delegation, ayon kay City Environment and Natural Resources Officer o CENRO Engr. Edgar Paalan.
Ikinatuwa ng mga partisipante mula sa DepEd ang aktibidad dahil naging bahagi sila ng Canopy 25 project ng administrasyon ni Mayor Evangelista na isa sa pinakamahalagang proyektong naglalayong mailigtas ang buhay ng susunod na mga henerasyon mula sa mga kalamidad tulad ng malawakang flashfloods.
Layon ng Canopy 25 sa pangunguna ng CENRO bilang lead office na makapagtanim ng abot sa 2.5 milyong punong-kahoy (endemic trees) sa mga piling lugar sa lungsod kabilang na ang mga riverbanks, watersheds at maging sa bahagi ng national highway at maging daan upang ma-mitigate o mabawasan ang mga matitinding bah ana sumisira ng buhay at ari-arian.
Inilungsad ang Canopy 25 sa bahagi ng Sarayan River, Barangay Ginatilan, Kidapawan City noong Pebrero 21, 2023 bilang mahalagang component ng pagdiriwang ng 25th Charter Anniversary ng Kidapawan City. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Abril 23, 2023) -NATANGGAP na ng abot sa 468 atleta o mga manlalaro ng DepEd Kidapawan Schools Division ang kanilang complete set of SOCCSKSARGEN Regional Athletic Meet o SRAA โ23 uniforms ngayong araw na ito ng Linggo, Abril 23, 2023 o isang araw bago ang pagsisimula ng laro bukas Abril 24, 2023.
Mula damit pang-itaas hanggang pang-ibaba kasama na ang sapatos ang tinanggap ng mga manlalaro sa ginawang pamamahagi sa Kidapawan City National High School o KCNHS sa pangunguna ng mga guro at iba pang technical official.
Taglay ng uniporme ang disenyo ng official uniform ng Kidapawan Delegation na Mynas o isang uri ng aktibo at matalinong ibon.
Maliban rito ay kaaya-ayang tingnan ang mga atleta ng lungsoid sa suot nilang uniporme na tiyak na magpapalakas ng kanilang kumpiyansa sa bawat laro.
Kaugnay nito, tuwang-tuwa naman ang mga manlalaro ng lungsod maging ang kanilang mga guro, coaches at magulang dahil kumpleto na ang paghahanda ng kanilang mga manlalaro para sumabak sa pinakamalaki at pinakaaabangang laro sa buong rehiyon ng SOCCSKSARGEN.
Pinasalamatan nila si Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa ibayong suporta at pagbibigay ng inspirasyon sa kanila. Ipinaabot din nila ang pasasalamat sa Kidapawan City Schools Division sa pangunguna ni Dr. Natividad Ocon, CESO VI at sa lahat ng mga guro, coaches, at trainers na walang sawang nagtuturo at gumagabay sa kanila.
Gagawin ang SRAA โ23 (Abril 24-28, 2023) sa Lungsod ng Kidapawan sa kauna-unahang pagkakataon kaya naman lubos ang ginawang preparasyon ng City Government at ng DepEd City Schools Division upang maisagawa ng maayos, masigla, at ligtas ang bawat sport event ng SRAA. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Abril 23, 2023)- ISANG araw bago magsimula ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA Meet 2023 ay kumpleto ng naipamahagi ng City Government of Kidapawan ang mga kinakailangang hygiene kits para sa mga delegates ng pinakamalaking palaro o sports event sa buong rehiyon.
Ayon kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, mahalaga ang pamamahagi ng mga hygiene kits para na rin sa kaligtasan ng mga manlalaro laban sa sakit at mapanatili ang maayos na kalusugan.
Sa harap na rin ito ng napaulat na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ibaโt-ibang bahagi ng bansa at ang panawagan ng mga health officials na palakasin muli ang kampanya laban sa naturang sakit at iba pang karamdaman.
Laman ng hygiene kit ang anti-bacterial soap, mosquito lotion repellant, bath towel, at iba pa kalakip na ang brochure na nagtataglay ng ruta o travel route mula sa kanilang billeting school patungo sa mga sports events playing venues ng SRAA 2023, ayon naman kay Acting City Administrator Janice V. Garcia.
Maliban pa ito sa mga washing areas na matatagpuan sa bawat paaralan at dagdag pa ang mga alcohol at sanitizer na gagamitin ng mga manlalaro at iba pang kalahok.
Nasa 13 ang mga billeting quarters na tutuluyan ng mga delegado (athletes and technical officials) kung saan tutuloy ang 9 na mga delegado mula sa ibaโt-ibang lalawigan ng SOCCSKSARGEN o Region 12 na una ng nabigyan ng mga kinakailangang hygiene kits.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng Lanao Central Elem School, Lanao National High School at Isidoro Lonzaga Memorial Elem School na tutuluyan o billeting para sa mga delegates mula sa General Santos City, Paco Central Elem School at Paco National High School na billeting para sa Koronadal City, Kidapawan City National High School na billeting para sa Kidapawan City delegates and Technical Officials, Felipe Suerte Memorial Elem School at Saniel Cruz National High School na billeting para sa mga Sarangani delegates, Kidapawan City Pilot Elem School para sa South Cotabato delegates, Amas Central Elem School at Amas National High School para sa Sultan Kudarat delegates at Mariano Mancera Integrated School at Singao Integrated School naman para sa Tacurong City delegates at ang Magpet National High School para sa mga delegates mula sa North Cotabato.
Mula sa bilang na 3,000 hanggang 4,000 delegado ang nabigyan ng hygiene kits mula sa City Government of Kidapawan at inaasahang madaragdagan pa ito hanggang matapos ang araw.
Samantala, tuluy-tuloy naman ang ocular inspection ng bawat sports o playing venues ganundin ang mga billeting quarters sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kasama ang mga key personnel ng Kidapawan City DepEd Schools Division upang matiyak na magiging maayos at matiwasay ang pagsasagawa ng SRAA 2023.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maging host ng SRAA ang Kidapawan City kung kayaโt todo ang naging preparasyon ng lungsod sa 5-day SRAA mula April 24-28, 2023 na siya namang pinakamalaki at pinaka-aantabayanang sports event sa buong SOCCSKSARGEN o Region 12. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Abril 23, 2023) โ MAS magiging sistematiko na ngayon ang takbo ng SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA Meet 2023.
Ito ay dahil sa ipatutupad na Digital Attendance System o DGS para sa mga athletes, coaches, trainers o mga technical officials, parents, at iba pang personnel na kabilang sa 5-day SRAA Meet na gaganapin sa Lungsod ng Kidapawan mula Abril 24-28, 2023.
Sa pamamagitan ng Digital Attendance System o DAS na isang web-based application ay mamo-monitor ng mabuti ang bawat manlalaro ganundin ang lahat ng mga kabilang sa SRAA Meet โ23.
Ang Communication Technology Office na nasa ilalim ng Office of the City Mayor ang naatasang magpatupad ng naturang sistema na magbibigay naman ng ibayong seguridad sa pagsasagawa ng SRAA Meet.
Isang linggo bago sumapit ang SRAA โ23 ay nagsagawa na ng online registration ang CTO sa mga athletes, coaches, trainers, mga magulang o caretakers at iba pang technical officials sa pamamagitan ng isang link kung saan kailangan ilagay ang ilang mahahalagang personal information tulad ng name, gender, address, sports event, email address, at contact number.
Matapos nito ay agad ding makakapag-generate ng QR Code ang DAS upang magiging basehan sa attendance ng isang indibidwal maging ito man ay sa billeting area o playing venues.
Para ito sa kaligtasan ng mga stakeholders ng SRAA Meet โ23 sa harap na rin ng mga posibleng nakaambang problema sa seguridad at maging sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa rehiyon dahil magagamit ito sa contact tracing.
Mismong mga guro ng DepEd Kidapawan City Schools Division na una ng sumailalim sa pagsasanay tulad ng scanning at reading nitong Abril 21, 2023 ang magpapatupad ng Digital Attendance System simula bukas Abril 24, 2023 sa pagbubukas ng SRAA Meet hanggang sa pagtatapos nito sa Abril 28, 2023.
Una ng ginamit ang Digital Attendance System sa pamamahagi ng hygiene kits sa mga billeting areas at napatunayan namang ito ay epektibo at walang palya.
Dagdag pa rito ay nagsagawa ng dry-run sa paggamit ng DAS ang mga guro kahapon, Abril 22 at ngayong araw Abril 23, 2023 bago ang opening day bukas.
Ito ang pinakaunang pagkakataon na mag-host ang Lungsod ng Kidapawan ng SRAA Meet na siya namang pinakamalaki at pinaka-aabangang sports event sa buong rehiyon.
Ito rin ang kauna-unahang SRAA Meet na gagamit ng sistematikong Digital Attendance System para makamit ang organisado at matiwasay na laro at matiyak ang kaligtasan ng bawat-isa na makikilahok sa aktibidad. (CIO)
KIDAPAWAN CITY – (April 20, 2023) LOCAL OFFICIALS OF THE CITY Government of Kidapawan lead the ground breaking of three infrastructure, health and environmental protection projects in the city.
These projects are aimed to give better road access to the public, improved the operations of the City Government, provide better health services for the people and promote environmental protection in line with the Luntian Kidapawan concept of governance being implemented at present.
โThis is where the taxes paid by the people to the City Government goโ, remarked City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista who led the city officials in the ground breaking and laying of time capsules on three separate projects today, April 20, 2023.
First of these undertakings was the Road Concreting and Construction of Slope Protection and Installation of Pipe Culverts that is located along Maglan Road that will link the villages of Magsaysay and Lanao.
Mayor Evangelista in a message, said that the road concreting project aside from providing better access to its residents and motorists traversing the said barangays, will help spur economic growth for both barangays of Magsaysay and Lanao.
This project will also help prevent flooding in times of rain and will be installed with streetlights later on to maintain peace and order in the community.
Magsaysay Village Chair Julio Labinghisa and Lanao Chair Arberto Canonoy thanked the Mayor and the City Government for fulfilling the said projects that will greatly help their constituents.
Soon after, a Proposed Construction of a Multi -Purpose Building in Eco Park in Barangay Magsaysay commenced.
The project will be utilized by the General Services Office as storage and depository facility for equipment and supplies used by the City Government in its daily operation in extending services to the public.
This project is part of the development of the Magsaysay Eco Park that will house several government buildings and facilities in the future, Mayor Evangelista revealed.
Lastly, the City Government officials and local health authorities laid the time capsule in the ground breaking ceremony for the Construction of the Waste Water Treatment Facility of the Covid19 Temporary Treatment and Monitoring Facility or TTMF and Bio-Molecular Laboratory located in Duhat Drive, Barangay Poblacion.
Dr, Thadeus Averilla, MD, Chief of City Hospital emphasized the need to carry out the said project not only to provide better health services for patients admitted in the City Government operated health facility, but also to ensure the prevention of the spread of diseases from the area to the nearby communities.
This follows the directive of being Environmental Compliant Certified by the Department of Environment and Natural Resources or DENR as waste water coming from the facility will be treated and curb contamination of drinking water for the residents living nearby, Dr. Averilla explained.
Joining Mayor Evangelista in the ground breaking ceremony and laying of time capsules were City Councilors Judith Navarra, Jason Roy Sibug, Carlo Agamon, Galen Ray Lonzaga, Mike Ablang, Airene Claire Pagal, Liga ng Barangay President Morgan Melodias, barangay officials of Magsaysay and Lanao, health service providers from the City Health Office and the different department managers of the City Government of Kidapawan.
The said projects are expected to be completed by the third quarter of this year or 120 calendar days from the present. (CMO-CIO)
KIDAPAWAN CITY – (April 19, 2023) The City Government of Kidapawan, Metro Kidapawan Water District and the Kidapawan City Schools Division of the Department of Education conducted the final ocular inspection and water testing of the schools to be used as billeting and housing venues of all athletes and officials of the SOCCSKSARGEN Regional Athletic Meet or SRAA to be hosted by the city on April 24-28, 2023.
City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista led all officials in the ocular inspection of the water connection in thirteen different public schools that will serve as housing and billeting area for the delegate athletes and officials.
Joining the said officials were Atty William Angos, and Mrs. Melagrita Valdevieso, the new Chairperson and Secretary of MKWD Board of Directors (BOD) respectively, incumbent BODโs Allan Pandio, Lynnie Cagape and Elisa Salac, MKWD General Manager Stella Gonzales and Assistant General Manager Engr Wilesper Lizandro Alqueza and City Tourism and Investment Promotions Officer Gillian Ray Lonzaga were also present during the activity.
The inspection team was happy to note that the water services connected in the schools are safe and well enough to be used by the delegates as they themselves tested and tasted it.
Inspected schools in the city that will house the different delegations are: Lanao Central Elementary School, Lanao National High School, Isidoro Lonzaga Memorial Elementary School, Paco Central Elementary School, Paco National High School, Kidapawan City National High School, Felipe Suerte Memorial Elementary School, Saniel Cruz National High School, Kidapawan City Pilot Elementary School, Amas Central Elementary School, Amas National High School, Mariano Mancera Integrated School, and Singao Elementary School.
The said schools will be utilized by the host delegation of Kidapawan City, General Santos City, South Cotabato, Koronadal City, Sultan Kudarat, Tacurong City and Sarangani as well as all technical officials who will officiate the games.
Cotabato Province delegation meanwhile, will be billeted and housed separately in Magpet National High School.
In relation to the above mentioned development, the City Government has finally drawn it security and traffic route plan in place for the entire period of the SRAA meet.
Mayor Evangelista assures all the delegates of their safety in the week long athletic meet. (CMO-CIO)