NEWS | 2023/04/23 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Abril 23, 2023)- ISANG araw bago magsimula ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA Meet 2023 ay kumpleto ng naipamahagi ng City Government of Kidapawan ang mga kinakailangang hygiene kits para sa mga delegates ng pinakamalaking palaro o sports event sa buong rehiyon.
Ayon kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, mahalaga ang pamamahagi ng mga hygiene kits para na rin sa kaligtasan ng mga manlalaro laban sa sakit at mapanatili ang maayos na kalusugan.
Sa harap na rin ito ng napaulat na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ibaโt-ibang bahagi ng bansa at ang panawagan ng mga health officials na palakasin muli ang kampanya laban sa naturang sakit at iba pang karamdaman.
Laman ng hygiene kit ang anti-bacterial soap, mosquito lotion repellant, bath towel, at iba pa kalakip na ang brochure na nagtataglay ng ruta o travel route mula sa kanilang billeting school patungo sa mga sports events playing venues ng SRAA 2023, ayon naman kay Acting City Administrator Janice V. Garcia.
Maliban pa ito sa mga washing areas na matatagpuan sa bawat paaralan at dagdag pa ang mga alcohol at sanitizer na gagamitin ng mga manlalaro at iba pang kalahok.
Nasa 13 ang mga billeting quarters na tutuluyan ng mga delegado (athletes and technical officials) kung saan tutuloy ang 9 na mga delegado mula sa ibaโt-ibang lalawigan ng SOCCSKSARGEN o Region 12 na una ng nabigyan ng mga kinakailangang hygiene kits.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng Lanao Central Elem School, Lanao National High School at Isidoro Lonzaga Memorial Elem School na tutuluyan o billeting para sa mga delegates mula sa General Santos City, Paco Central Elem School at Paco National High School na billeting para sa Koronadal City, Kidapawan City National High School na billeting para sa Kidapawan City delegates and Technical Officials, Felipe Suerte Memorial Elem School at Saniel Cruz National High School na billeting para sa mga Sarangani delegates, Kidapawan City Pilot Elem School para sa South Cotabato delegates, Amas Central Elem School at Amas National High School para sa Sultan Kudarat delegates at Mariano Mancera Integrated School at Singao Integrated School naman para sa Tacurong City delegates at ang Magpet National High School para sa mga delegates mula sa North Cotabato.
Mula sa bilang na 3,000 hanggang 4,000 delegado ang nabigyan ng hygiene kits mula sa City Government of Kidapawan at inaasahang madaragdagan pa ito hanggang matapos ang araw.
Samantala, tuluy-tuloy naman ang ocular inspection ng bawat sports o playing venues ganundin ang mga billeting quarters sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kasama ang mga key personnel ng Kidapawan City DepEd Schools Division upang matiyak na magiging maayos at matiwasay ang pagsasagawa ng SRAA 2023.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maging host ng SRAA ang Kidapawan City kung kayaโt todo ang naging preparasyon ng lungsod sa 5-day SRAA mula April 24-28, 2023 na siya namang pinakamalaki at pinaka-aantabayanang sports event sa buong SOCCSKSARGEN o Region 12. (CIO)