๐—ž๐—œ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ฅ ๐—”๐—ง๐—ง๐—ฌ ๐—๐—ฃ๐—˜ ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ฅ๐—”๐—” ๐— ๐—˜๐—˜๐—ง โ€˜๐Ÿฎ๐Ÿฏ

You are here: Home


NEWS | 2023/05/01 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 29, 2023) โ€“ PORMAL ng nagtapos ang limang araw na pagsasagawa ng SOCCSKSARGEN Regional Athletic Meet Association o SRAA Meet 2023 kahapon, Abril 28, 2023.

Ginanap ang makasaysayang pagtatapos ng SRAA Meet โ€™23 sa Kidapawan City Plaza sa pangunguna ni Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang mga opisyal ng Department of Education o Deped 12 sa pangunguna ni Regional Director Carlito Rocafort.

Sa kanyang mensahe, taos-pusong pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang lahat ng sektor na nakiisa at nagbigay ng ibayong suporta sa pagsasagawa ng SRAA Meet sa lungsod sa kauna-unahang pagkakataon.
Sinabi ng alkalde na tinanggap niya ang napakalaking hamon na isagawa ang SRAA Meet sa Kidapawan City na siya namang pinakamalaki at pinakaaabangang sports event sa buong Region 12.

Hindi naman raw nabigo ang bawat isa dahil sa kabila ng maikling panahon ng preparasyon at sa harap ng malalaking hamon tulad ng masamang panahon, banta ng COVID-19 at iba pa ay nalagpasan lahat ito at sa katunayan ay namumukod-tangi sa kasaysayan ng SRAA ang pagsasagawa nito sa Kidapawan City.
Sa kanyang panig, pinasalamatan ni RD Rocafort si Mayor Evangelista at ipinahayag ang kanyang lubos na kasiyahan sa matiwasay at organisadong takbo ng SRAA Meet โ€™23 sa Kidapawan City.

Bahagi naman ng closing program ang performance o pagpapakita ng husay sa pagkanta ng Kidapawan City LGU Choral Group at sinundan ito ng lowering of banners sa pangunguna ng mga Schools Division Superintendent mula sa walong delegasyon kabilang sina Dr. Natividad Ocon ng Kidapawan City Schools Division at Romelito Flores ng Cotabato Schools Division at iba pa.

Naging madamdamin din ang ginawang extinguishing of the friendship torch na pinangunahan ni 2019 Palarong Pambansa athlete Mark Dwayne Cano na siyang hudyat ng pagtatapos ng SRAA meet ngayong taon.
Samantala, gaganapin naman sa General Santos City ang SRAA Meet sasusunod na taon, matapos na tanggapin ng Executive Assistant to the City Mayor’s Office na si Joey Concepcion ang SRAA Banner kahapon. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio