π—‘π—˜π—šπ—’π—¦π—¬π—’π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—žπ—”π—•π—¨π—›π—”π—¬π—”π—‘ π—‘π—š 𝗣π—ͺ𝗗 𝗔𝗧 π—¦π—’π—Ÿπ—’ 𝗣𝗔π—₯π—˜π—‘π—§π—¦ π—¦π—Ÿπ—£ π—”π—¦π—¦π—’π—–π—œπ—”π—§π—œπ—’π—‘ π—‘π—š 𝗕π—₯π—šπ—¬. π—£π—’π—•π—Ÿπ—”π—–π—œπ—’π—‘ 𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗑𝗔 π—•π—œπ—‘π—¨π—žπ—¦π—”π—‘ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ

You are here: Home


NEWS | 2023/05/08 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE

KIDAPAWAN CITY (Mayo 8, 2023) – SABAY na nagbukas ng kanilang puwesto sa loob ng Mega Market ng Lungsod ng Kidapawan ang Poblacion May Pag-asa PWD SLP Association at Poblacion Solo Parents SLP Association ngayong araw na ito ng Lunes, Mayo 8, 2023, alas-nuwebe ng umaga.

Ito ay ang Stall No. 171 at 181 na matatagpuan sa Building 2 ng Mega Market kung saan ginawa ang ribbon cutting of formal opening ng mga puwesto na pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO kasama ang mga opisyal at miyembro ng dalawang mga samahan.

Matatandaang noong Enero 30, 2023, sa pamamagitan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at ng CSWD ay tinanggap ng iba’-t-ibang asosasyon o grupo kabilang na ang Poblacion PWD SLP at Poblacion Solo Parents SLP ang pondo mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD na tig P300,000 bilang financial assistance na kanilang gagamitin sa pagtatayo ng negosyo.

General merchandise ang napili ng Poblacion PWD habang Pasalubong Center naman ang napili ng Poblacion Solo Parents, ayon kay Assistant CSWD Officer Aimee Espinosa.

Sa pamamagitan ng SLP capability program ng DSWD ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Civil Society Organization sa lungsod na mabigyan ng accreditation at pondo para sa mapipiling livelihood project at iba pang tulong upang mapalago ang kanilang kabuhayan.

Dumalo sa aktibidad si City Vice Mayor Melvin Lamata, Jr. kung saan hinikayat niya ang mga miyembro na pagbutihin ang kanilang mga napiling negosyo upang mas umasenso ang kanilang buhay. Nagbigay din siya ng limang sakong bigas na magagamit bilang dagdag na stocks para sa PWD SLP Association habang mga furniture and fixtures naman ang ibinigay para sa Solo Parents SLP Association.

Samantala, dumalo rin sa okasyon sina DSWD FO Project Development Officer II James Lu at Tyrone Alberto, 4Ps Action Team Leader Elfa Leoncito at mga personnel mula sa CSWDO na sina Project Development Officer II Joseph Salera, PWD Focal Person Robelyn Barcelo at mga personnel mula sa Local Economic Development and Investment Promotion, Inc. o LEDIPO na sina Aljayvone Ganas at Theresa Pia na kumatawan kay LEDIPO Head Stella Hernandez.

Bilang panghuli ay nagbigay ng message of thanks sina Poblacion May Pag-asa PWD SLP President Florediosa Carillo at Poblacion Single Parent SLP President Consuelo Juarez kasabay ang pangakong pagbubutihin ang proyekto sa pamamagitan ng pagkakaisa, maayos na pamamalakad ng negosyo at pagharap sa iba’t-ibang hamon.

Pinasalamatan din nila si City Mayor Evangelista sa patuloy na pagpapatupad ng mga proyekto at programang nakakatulong ng malaki sa kanilang sektor partikular na sa aspeto ng negosyo at pangkabuhayan. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio