𝗙𝗔π—₯𝗠 𝗧𝗒 𝗠𝗔π—₯π—žπ—˜π—§ π—₯𝗒𝗔𝗗 𝗔𝗧 π—Ÿπ—˜π—©π—˜π—Ÿ 𝟯 π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—¦π—¬π—¦π—§π—˜π—  π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—šπ—žπ—”π—Ÿπ—’π—’π—• 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔𝗑 π—₯π—’π—€π—¨π—˜

You are here: Home


NEWS | 2023/05/16 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (May 16, 2023) – DALAWANG makabuluhang proyekto ang ipinagkaloob sa mga opisyal at mamamayan ng Barangay San Roque sa Lungsod ng Kidapawan.

Kahapon, Mayo 15, 2023 ay ginanap ang formal turn-over ng 64-meter Farm to Market Road concreting project (Purok 4) na nagkakahalaga ng P1M at Level 3 water system (Purok 7- installation of overhead tank, water pump and lay outing of pipes) na nagkakahalaga naman ng P3M laan para sa mamamayan ng Barangay San Roque.

Nagmula sa Local Government Support Fund- Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ang P4M pondong ginamit sa dalawang proyekto.

Tulad ng mga ginawang turn-over sa ibang barangay, si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa aktibidad kung saan muli niyang ipinaalala sa mga mamamayan na bigyang halaga at ingatan ang naturang mga proyekto.

Magpapatuloy rin daw ang kanyang administrasyon sa pakikipag-koordinasyon sa mga ahensiya at programa ng gobyerno tulad ng NTF-ELCAC upang maisakatuparan ang mas maraming proyekto sa mga barangay.

Kaugnay nito, pinasalamatan din ni Mayor Evangelista ang kasundaluhan at kapulisan sa pagsisikap ng mga ito na mawala ang insurgency at armadong pakikibaka sa mga barangay.

Layon ng proyekto na maipakita sa mga mamamayan ang lahat ng pagsisikap ng gobyerno upang maiwaksi na ang pakikibaka laban sa pamahalaan at tuluyan ng mawala ang impluwensiya ng insurgency sa lugar.

Lubos naman ang pasasalamat ni San Roque Punong Barangay Simplicia Calvo sa biyayang ipinagkaloob sa kanyang barangay at sinabing malaking pagbabago ang dulot nito lalo na sa mga magsasaka na nagdadala ng produkto palabas ng barangay.
Nakiisa sa okasyon sina City Councilors Michael Earvin Ablang, Jason Roy Sibug, at ABC Kidapawan Federation President Morgan Melodias.

Dumalo rin at nagbigay ng suporta sa aktibidad sina CLGOO Julia Judith Geveso, Acting City Administrator Janice Garcia, City Treasurer Redentor Real, City Budget Officer Alex Pana, City Veterinarian Dr, Eugene Gornez, Francisco Tanaid, Jr. mula sa CGSO, at Assistant Assessor Aurora Abril.

Mula naman sa hanay ng Armed Forces of the Philippines ay dumalo si 1LT Charles Ian Parel mula sa 39th IB PA at sa Philippine National Police naman ay si PCAPT Godofredo Tupas II. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio