Month: June 2023

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Hunyo 26, 2023) โ€“ ABOT sa 62 na mga child laborers o mga batang nagtatrabaho para kumita ang magiging benepisyaryo ng Project Angel Tree sa Lungsod ng Kidapawan.

Mula sa mga barangay ng Indangan at New, Bohol, Kidapawan City ang naturang bilang ng child laborers.

Ang Project Angel Tree ay isang proyekto ng Department of Labor and Employment o DOLE na naglalayong tulungan ang mga batang naghahanap-buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan na kanila hiniling o wish mula sa mga sponsors/benefactors.

Kabilang dito ang pagkain, gamit sa eskwelahan tulad mga bag at notebooks, uniporme, sapatos, at iba pa na kanilang isusulat sa papel at isasabit sa isang puno upang makita o mabasa ng mga nais maging โ€œangelโ€ o sponsor/benefactor.

Katuwang ng DOLE sa proyekto ang Public Employment Service Office o PESO ng lungsod sa pangunguna ni Herminia Infanta, PESO Manager kung saan ginawa ang ceremonial hanging of wishes sa City Hall Lobby, alas-otso ng umaga.

Sa naturang pagkakataon ay ipinaliwanag ni DOLE Labor Officer Rica Mae Pipugal ang konsepto ng Project Angel Tree sa harap ng mga konsehal ng lungsod na kinabibilangan nina Rosheil Gantuangco-Zoreta, Jason Roy Sibug, Michael Ervin Ablang, at ABC President at Ex-Officio Morgan Melodias.

Gagawin naman ang distribution of gifts sa July 27, 2023 kung saan aktuwal na ibibigay sa mga child laborers ang kanilang mga kahilingan.

Matatandaang sa mga nakalipas na taon ay nakatulong din na malaki ang Project Angel Tree sa mga batang manggagawa partikular na sa kanilang pag-aaral kung kayaโ€™t umaasa ang kapwa DOLE at PESO Kidapawan na magiging matagumpay din ang aktibidad ngayong taon. (CIO)

thumb image

Ang Lungsod ng Kidapawan ang siyang host ngayong taon sa gaganaping Run for Resilience o R4R nitong Sabado, July 1 na siyang magiging hudyat ng pagsisimula ng mga aktibidad ng National Disaster Resilience Month para sa taong kasalukuyan ng Rehiyon Dose. Ito ay lalahokan ng mga ibaโ€™t ibang Disaster Risk Reduction and Management Councils ng buong rehiyon at ng probinsya at lahat ng mga gustong lumahok at makisaya sa naturang aktibidad. Tinatayang aabot sa taatlong libong mga fun runners ang dadagsa sa Lungsod para sa R4R.

Libre ang pagpapatala o free registration. Maaring magparehistro online sa pamamagitan ng pag click nitong link
https://tinyurl.com/r4rndrm2023 at pwede rin sa mismong araw ng Fun Run na magparehistro. Sa mga on-site registrants ay kailangan lamang pumunta ng alas 4:00 ng madaling araw sa harap ng City hall upang magpatala.

5K at 3K ang event na nakahanda na may kategorya para sa elite, novice, senior citizen at mga kabataan. Tumataginting na P4,000.00 ang premyo plus medalya ang naghihintay para sa Champion ng 5K habang P3,000.00 naman ang cash prize para sa 3K. May premyo rin para sa 2nd at 3rd placers ng lahat ng kategorya. Maari din tingnan lamang ang larawan para sa mga karagdagang detalye.

Ang R4R ay itinatanghal ng Office of the Civil Defense XII, PDRRMO, City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Kidapawan at ng Globe Telecom.

Nananawagan naman ang OCD XII at CDRRMO sa lahat ng mga nais lumahok na magpa register na ng online upang iwasang maantala sa mismong araw ng Fun Run.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Hunyo 23, 2023) โ€“ SIYAM na mga asosasyon at kooperatiba mula sa lungsod ang nakabiyaya sa Livelihood Program ng City Government of Kidapawan.

Sa pamamagitan ng City Cooperatives Development Office o CCDO kasama ang Local Economic and Development Investment Promotions Office o LEDIPO at Civil Society Development Unit o CSDU ay nabigyan ng financial assistance o tulong ang mga sumusunod:

Kidapawan Mega Market Vegetable Vendors Association, Inc. (P135,000.00), Kidapawan Mega Market Jambolers Association (P87,000.00), Kidapawenos Food Handlers Association, Inc. (P60,000.00), Kidapawan City Beauty parlors Business Association (P100,000.00), San Roque Farmers Marketing Cooperative (P200,000.00), Kidapawan City United Vendors Credit Cooperative (P200,000.00), Mt. Apo 10 KR Multi-Purpose Cooperative (P200,000.00), Rural Improvement Club Producers Cooperative (P200,000.00), at Stanfilco Kidapawan Consumer Cooperative (P200,000.00)  o kabuoang halaga na P1,382,000.00 na pautang.

Si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang nanguna sa ceremonial turn-over of checks na ginanap sa Flag Lowering Ceremony ngayong Biyernes, Hunyo 23, 2023, alas-kuwatro ng hapon.

Sinaksihan ito nina City Cooperative and Development Officer Dometilio B. Bernabe, CSDU Head Atty Levi Jones Tamayo, at mga Konsehal ng Lungsod ng Kidapawan na sina Galen Ray Lonzaga at  Rosheil Gantuangco-Zoreta.

Ayon kay Bernabe, dumaan sa kauukulang proseso ang mga benepisyaryo bago tuluyang natanggap ang ayuda tulad ng project proposal, validation and assessment, at iba pa.

Masaya namang tinanggap ng mga opisyales at miyembro ng nabanggit na mga asosasyon ang naturang ayuda mula sa City Government of Kidapawan na naglalayong makaiwas sa 5-6 na pautang ang mga miyembro at magkaroon sila ng dagdag na puhunan para sa kanilang mga negosyo na unti-unti nilang babayaran.

Kasabay nito ang pangako na gagamitin ng tama ang ayuda at gagawin ang lahat ng makakaya upang mapalago ang kani-kanilang income-generating project. (CIO)

thumb image

After 3 years of hiatus, SOCCSKSARGEN Regionโ€™s prime products, culture, and tourist destinations will once again be showcased in ๐—ง๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—ข๐—ซ: A Travel & Trade Expo Year 5 on June 23-25, 2023 at Midtown Atrium, Robinsons Place Manila.

๐‘ฌ๐’™๐’„๐’Š๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฌ๐’™๐’‰๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’• ๐‘ถ๐’‡๐’‡๐’†๐’“๐’Š๐’๐’ˆ๐’”:
*Iconic Crafts
*Wearables/ cultural fabric
*Fishery Products
*Processed Foods
*Tour Packages on sale
*Free Sultan Kudarat coffee

๐‘น๐’†๐’ˆ๐’–๐’๐’‚๐’“๐’”
*B2B – SOX Tourism Council and other Tour Operators
*Investment Forum
*Product Presentations

Daily Cutural Performances by

  • Koronadal Hinugyaw Dance Troupe

Fashion Show

  • Fashion Collections by Ivan Raborar

๐‘บ๐‘จ๐‘ฝ๐‘ฌ ๐‘ป๐‘ฏ๐‘ฌ ๐‘ซ๐‘จ๐‘ป๐‘ฌ๐‘บ!

See you there!

๐Ÿ“ธTreasures of SOX (FB Page)

thumb image

Isa sa pangunahing layunin ng banderang Luntian Kidapawan ng lokal na pamahalaan ay ang pagsiguro at pagpapalakas ng food sufficiency at isa sa mga pangunahing hakbang upang makamit ito ay ang paghikayat sa mga magsasaka ng lungsod na magtanim ng mga gulay at prutas. Subalit, panay naman ang pagsubok na hinaharap ng mga magsasaka dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga fertilizer, binhi, at iba pang farming products at agricultural inputs, dinagdagan pa ng mahigit dalawang taong pandemyang COVID-19 na nagdulot sa iba na mahirapang magsimula muli.

Bilang tugon sa mga hinaing at pangangailangan ng mga magsasaka sa lungsod ay may mga farm inputs at equipments na iniaabot sa ibaโ€™t-ibang grupo ng mga magsasaka sa Kidapawan sa pamamagitan ng Office of the City Agriculturist. Ang mga nabanggit na mga ayuda ay iniimbak at dinadaan sa masusing inspekyon bago ipinapamahagi upang masiguro na kapaki-pakinabang ito.

Subalit, nangangailangan ang mga farm inputs na kinabibilangan ng mga binhi, pampataba at kemikal, farming tools, equipments at machineries ng angkop na imbakan upang masigurong ligtas ito mula sa ibaโ€™t-ibang mga elemento, maiwasang masira o mawala, at masigurong maipamahagi sa mga benepisyaryo na nasa tamang kondisyon.

Giit pa ni City Agriculturist Marissa T. Aton ay maraming beses na na hindi naiimbak ng maayos ang mga farm inputs noon na nakatakdang ipamigay sa mga magsasaka at iba pang mga asosasyon dahil sa walang angkop na istruktura na pagiimbakan noon. Ito ay nakakalat sa ibaโ€™t-ibang pasilidad ng compound, at kadalasan dahil sa hindi angkop na pagiimbak sa mga ito ay nakakalimutan o di naman kaya ay nalalantad ito sa mga elemento at mga peste na maaaring makasira sa mga ito.

Dahil dito ay pinatayuan nga ng angkop na imbakan ang OCA sa loob ng DA Compound na matatagpuan sa Barangay Kalaisan ng lungsod. Ang nasabing compound ay may lawak na 4.8 hectares kung saan nakapaloob ang lahat ng proyektong pang-agrikultura, demo area at imbakan ang mga farm inputs at equipments.

Upang mas masiguro na ligtas at nasa tamang kondisyon ang mga nakatakdang ipamahagi na mga farm inputs sa mga farmer associations at organizations ay pinagawan ng sariling pasilidad ang Office of the City Agriculturist ng 8×12-meter Agricultural Production and Food Sufficiency Program Bodega na nagkakahalaga ng abot sa P 2,082, 491.00. Pondo na kinuha mula sa 2022 budget 20% Economic Development Fund.

Ngayon ay makakasiguro na ang mga mamamayan at mga benepisyaryo na tiyak na makakarating sa kanila ang mga tulong nang nasa pinakamaayos na kondisyon. Dagdag pa ni Ms. Aton ay asahan daw na mas lalo pang mapapaganda ang takbo ng serbisyo na ibinibigay ng kanyang tanggappan para sa Kidapaweรฑo at maisulong ang Food Sufficiency sa ilalim ng banderang Luntian Kidapawan

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 19, 2023) – TUMANGGAP ng accreditation mula sa Office of the City Mayor ang tatlong mga Peopleโ€™s Organizations o POs mula sa lungsod.

Sa pamamagitan ng accreditation ay mabibigyan ng prayoridad para sa pagtanggap ng livelihood projects mula sa City Government of Kidapawan ang tatlong POs na kinabibilangan ng Manongol IP Womenโ€™s Organization, Kidapawan City Inland Fisherfolks Association at Poblacion Overseas Filipino Workers Association.

Personal na iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang Certificate of Accreditation para sa tatlong POs sa ginanap na Flag Raising Ceremony at Employee Convocation ngayong umaga.

Sumailalim muna sa training ng Advancing the Peopleโ€™s Organization of Kidapawan CIty Through Innovation and Development of Social Capital o APO KIDS ang mga nabanggit na POs.

Isa sa mga nangungunang programa ni Mayor Evangelista ang APOKIDS na naglalayong tulungang maging matatag, maunlad at produktibo ang mga PO at Civil Society Groups sa lungsod.

Binigyan ng kaalaman sa financial literacy, entrepreneurial mind-setting, simple bookkeeping, records management and leadership and management seminar workshops ang tatlong nabanggit na POs, ayon kay Atty. Levi Jones Tamayo, ang Head ng Civil Society Development Unit (CSDU) ng City Mayorโ€™s Office.

Sapat na ang naturang mga trainings para makatanggap ng ayudang pangkabuhayan mula sa City Government of Kidapawan ang naturang mga POs, dagdag pa ni Tamayo.

Kabilang sa first batch ang tatlong mga POs na nakatanggap ng accreditation o pauna lamang sa mga organisasyon na tinutulungan ng CSDU kung kayaโ€™t hinihikayat ang iba pa na ayusin ang pamamalakad upang makatanggap din ng tulong mula sa Lokal na Pamahalaan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Hunyo 19, 2023) โ€“ PORMAL na ipinakilala ang abot sa 12 bagong itinalagang government doctors sa Lungsod ng Kidapawan sa ginanap ng Flag Raising Ceremony and Employee Convocation sa City Hall Lobby ngayong araw ng Lunes, Hunyo 19, 2023.
Ito ay kinabibilangan nina Dr. Lady Lyssah D. Salac na itinalaga sa Office of the Senior Citizen Affairs o OSCA, Dr. Christine Delight Ruiz na itinalaga sa Universal Health Care – Primary Care Facility (North Easter Kidapawan UHC) na matatagpuan sa Barangay Mua-an; Dr. Kenneth O. Pedregosa na napabilang sa programang Doctors to the Barrios o DTTB, Dr. Jovelina Morillo, Dr. Christina Chen, Dr. Meriefleur Eddah Gabunales, Dr. Aenizylle Lara Salvilla, na pawang nakatalaga sa City Health Office o CHO; Dr. Jose Martin M. Evangelista, Pediatrician โ€“ CHO; Dr. Ted Calica โ€“ CHO; at mga dentists na sina Dr. Michelle Debelos, Dr. Marietta Teofilo, at Dr. Maricel Alvarez (augmentation from Dept. of Health).
Malugod naman silang binati ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kasama ang mga Konsehal ng lungsod na sina Jason Roy Sibug, Carlo Agamon, Galen Ray Lonzaga, Michael Ervin Ablang, at ABC Pres/Ex-Officio Morgan Melodias at ng mismong mga empleyado ng City Government of Kidapawan.
Dumalo din sa aktibidad sina City Health Officer Dr. Jocelyn Encienzo, Assistant City Health Officer Nerissa Paalan, at Admin Officer IV Ian Russel Gonzales.
Nangako naman ang naturang mga doktor na pag-iibayuhin ang kanilang serbisyo alisunod sa mandato ni Mayor Evangelista na laging unahin ang kapakanan ng mamamayan partikular na sa aspeto ng kalusugan at kaligtasan

TUMANGGAP ng mga bagong gawang โ€œUmpakโ€ o tribal attire ang mga mag-aaral ng abot sa limang mga Indigenous Peoples School na matatagpuan sa Kidapawan City. Kabilang dito ang Datu Domingo Ongcas IP School sa Barangay Ginatilan, Datu Umpan IP School sa Barangay Balabag, Datu Umin IP School sa Barangay Junction, Datu Igwas IP Integrated School sa Barangay Perez, at Datu Ambas Manib IP School sa Barangay Ilomavis na ang mga mag-aaral ay pawang nabibilang sa tribong Obo Monuvu.Ginawa ang unang pamamahagi ng libreng โ€œUmpakโ€ nitong Hunyo 14, 2023 sa Datu Domingo Ongcas – 82 mag-aaral (Kinder to Grade 4) at Datu Umpan 175 mag-aaral (Kinder to Grade 6).Ang ikalawang pamamahagi naman ay ginanap naman ngayong araw Hunyo 16, 2023 sa Datu Sumin – 82 mag-aaral (Grade 4) at Datu Igwas – 260 mag-aaral (Kinder to Grade 10). Itatakda pa ang araw ng pamamahagi sa Datu Ambas Manib na abot sa 50 mag-aaral (Kinder to Grade 2) ang makatatanggap din ng libreng IP attire.Ang โ€œUmpakโ€ ay customary attire na naka-disenyong blouse para sa mga babae at disenyong jacket naman ang para sa mga lalaki IP pupils na kanilang gagamitin sa pagpasok sa paaralan bawat Biyernes. Ginagamit ito kasabay o kasama ang mga accessories sa katawan na sinusuot ng Obo Monuvu. Ang mga disenyo naman ng โ€œUmpakโ€ ay nagpapakita ng mayamang kultura ng mga IP at ang kanilang pagmamahal sa sariling kasuotan.Ginawa ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang pamamahagi ng libreng โ€œUmpakโ€ o IP attire sa mga mag-aaral na Obo Monuvu upang mapanatili at mas mapalakas pa ang kanilang kultura at tradisyon sa harap na rin ng makabagong panahon.Sang-ayon naman dito si City Schools Division Superintendent Dr. Natividad G. Ocon, CESO VI kung saan binigyan niya ang go-signal ang pagsusuot ng โ€œUmpakโ€ sa mga nabanggit na paaralan bawat Biyernes. Si Ana Amelita S. Lapotaje, Presidente ng IP Women Federation of Kidapawan ang umikot sa mga IP schools para sa kaukulang koordinasyon, pagkuha ng bilang at sukat, at schedule ng pamamahagi ng mga โ€œUmpakโ€. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Hunyo 13, 2023) โ€“ NAGBUNGA ang pagsisikap ng abot sa limampuโ€™t tatlong jobseekers sa isinagawang 125th Independence Day: Kalayaan Job Fair sa City Convention Center kahapon, Hunyo 12, 2023.

Ito ay makaraang matanggap sila o Hired On The Spot (HOTS) at agad ding magsisimula sa trabaho, ayon kay Public Employment Service Office o PESO Manager Herminia Infanta.

Sa naturang bilang na 53, dalawampuโ€™t dalawa ang male applicants habang nasa tatlumpuโ€™t-isa naman ang female applicants, na pawang natanggap sa local employments, ayon pa kay infanta.

Layon ng 125th Independence Day: Kalayaan Job Fair na matulungan ang mas jobseekers mula sa Kidapawan City at maging sa mga kalapit na munisipyo o probinsiya na makahanap ng mapapasukang trabaho na angkop sa kanilang kakayahan o kapasidad.

Nagsimula ang job fair alas-otso ng umaga at nagtapos bandang alas-tres ng hapon kung saan nakapagtala ang PESO Kidapawan ng kabuoang bilang na 135 interested job applicants.

Samantala, ang mga local companies/employers na nagbukas ng kanilang kumpanya sa mga aplikante ay kinabibilangan ng Gaisano Grand Kidapawan, Toyota Kidapawan, Skygo Marketing, Elvirโ€™s Bluesky Telecom, at McDonalds.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Infanta ang naturang mga kumpanya at ganundin ang Department of Labor and Employment o DOLE sa patuloy sa suporta at sa maayos na koordinasyon sa bawat job fair na isinasagawa ng PESO.

Magpapatuloy raw ang PESO Kidapawan sa pagsasagawa ng mga job fair alinsunod na rin sa mandato ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na tulungang makahanap ng trabaho ang malaking bilang ng mga jobseekers mula sa lungsod lalo na ang mga fresh graduates. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Hunyo 10, 2023) โ€“ MALAKI ang magagawa ng itatayong Dog Impounding Building project sa pagpapalakas ng serbisyo ng Office of the City Veterinarian o OCVET.

Ginawa ang groundbreaking ng proyekto sa Barangay Kalaisan kahapon, Hunyo 9, 2023 na pinangunahan ni Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama si City Veterinarian Dr. Eugene Gornez at mga konsehal ng lungsod na sina Galen Ray Lonzaga, Michael Earvin Ablang, at Judith Navarra.

May kakayahang nag-accommodate ng mula 40-60 na mga asong mahuhuli sa Operation Askal (asong kalye) o street dogs ang itatayong dog impounding building.

Isa sa mga hamon na kinakaharap ng OCVET ay ang kakulangan ng impounding area para sa mga aso kaya sagot ito sa kahilingan ng tanggapan.

Sa oras na matapos ang bagong gusali ay inaasahang mapapalawak pa ng OCVET ang kanilang serbisyo para na rin sa kaligtasan ng publiko partikular na ang pagsugpo sa nakamamatay na rabies at aksidente sa daan dulot ng mga pagala-galang aso, ayon na rin sa mandato ni Mayor Evangelista sa OCVET.

Nagbigay naman ng ibayong sigla at inspirasyon kay Dr. Gornez ang itatayong building ganon din sa hanay ng mga personnel ng OCVET.

Matatandaang may dog impounding ang OCVET sa Barangay Magsaysay pero ito ay hindi sapat para mag-accommodate ng mga aso maliban pa sa may kalumaan na ang pasilidad.

Mula naman sa 20% Economic Development Fund o EDF 2023 ang P1.8M na pondong gagamitin sa konstruksiyon ng bagong dog impounding ayon sa inilatag na Program of Work na inilatag ng Office of the City Engineering.

Agad sisimulan ngayong Hunyo ang pagtatayo ng proyekto at inaasahang matatapos sa 4th quarter ng kasalukuyang taon. (CIO)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio