NEWS | 2023/06/05 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Hunyo 5, 2023) β INIHAYAG ng Business Permit and Licensing Office o BPLO ang kanilang accomplishment report o mga nagawa mula Enero hanggang Mayo 2023 sa flag raising ceremony at employee convocation na ginanap alas-otso ng umaga ngayong araw ng Lunes.
Sa pangunguna ni BPLO Head Lope B. Quimco ay nakapag-issue ng abot sa 4,760 Business Permits ang naturang tanggapan kung saan 4,122 ay renewals o mga existing businesses at 638 ay mga new business holders o bagong bukas na negosyo.
Matatandaang naging matagumpay ang Electronic Business One-Stop-Shop o E-BOSS na isinagawa ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ng BPLO kasama ang iba pang tanggapan ng City Government at mga national line agencies.
Tungkulin ng BPLO na bigyan ng kaukulang business permits and licenses ang mga negosyo sa lungsod maging ito man ang ay existing business o new business basta kumpleto at aprubado ang lahat ng requirements sa pagkuha ng nabanggit na mga dokumento.
Maliban rito ay na nakapag-proseso din ang BPLO ng abot sa 3.041 tricycle permits. Sa kasalukuyan ay nakikipagkoordinasyon sila sa Traffic Management and Enforcement Unit o TMEU para sa apprehension ng nalalabing 310 tricycle operators/drivers na hindi nakakuha ng kaukulang tricycle permit.
Nakapagbigay rin ng libreng serbisyo ang BPLO sa abot sa 10 barangay sa lungsod sa isinagawang Kidapawan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo o KDAPS kung saan hindi na kinailangan pa ng mga residente na magtungo sa ibaβt-ibang tanggapan dahil mismong ang BPLO kasama ang ibang opisina ang pumunta sa kanilang barangay.
Bahagi o kasama din ang BPLO sa itinatag na Joint Inspection Team na nagmo-monitor/nagsasagawa ng inspection sa mga business establishments na nagresulta sa 386 Notice of Violations at 251 Closure Orders. Sa naturang bilang ay abot naman sa 177 ang matagumpay na nakakuha ng Business Permit matapos makapag-comply sa lahat ng requirements na itinakda ng City Government.
Inaanyayahan ng BPLO ang publiko na bumisita sa kanilang tanggapan kung may mga inquiries o katanungan o maaari silang tumawag sa 064-577-1606 o mag-email sa [email protected]. (CIO)