NEWS | 2023/06/16 | LKRO
TUMANGGAP ng mga bagong gawang βUmpakβ o tribal attire ang mga mag-aaral ng abot sa limang mga Indigenous Peoples School na matatagpuan sa Kidapawan City. Kabilang dito ang Datu Domingo Ongcas IP School sa Barangay Ginatilan, Datu Umpan IP School sa Barangay Balabag, Datu Umin IP School sa Barangay Junction, Datu Igwas IP Integrated School sa Barangay Perez, at Datu Ambas Manib IP School sa Barangay Ilomavis na ang mga mag-aaral ay pawang nabibilang sa tribong Obo Monuvu.Ginawa ang unang pamamahagi ng libreng βUmpakβ nitong Hunyo 14, 2023 sa Datu Domingo Ongcas – 82 mag-aaral (Kinder to Grade 4) at Datu Umpan 175 mag-aaral (Kinder to Grade 6).Ang ikalawang pamamahagi naman ay ginanap naman ngayong araw Hunyo 16, 2023 sa Datu Sumin – 82 mag-aaral (Grade 4) at Datu Igwas – 260 mag-aaral (Kinder to Grade 10). Itatakda pa ang araw ng pamamahagi sa Datu Ambas Manib na abot sa 50 mag-aaral (Kinder to Grade 2) ang makatatanggap din ng libreng IP attire.Ang βUmpakβ ay customary attire na naka-disenyong blouse para sa mga babae at disenyong jacket naman ang para sa mga lalaki IP pupils na kanilang gagamitin sa pagpasok sa paaralan bawat Biyernes. Ginagamit ito kasabay o kasama ang mga accessories sa katawan na sinusuot ng Obo Monuvu. Ang mga disenyo naman ng βUmpakβ ay nagpapakita ng mayamang kultura ng mga IP at ang kanilang pagmamahal sa sariling kasuotan.Ginawa ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang pamamahagi ng libreng βUmpakβ o IP attire sa mga mag-aaral na Obo Monuvu upang mapanatili at mas mapalakas pa ang kanilang kultura at tradisyon sa harap na rin ng makabagong panahon.Sang-ayon naman dito si City Schools Division Superintendent Dr. Natividad G. Ocon, CESO VI kung saan binigyan niya ang go-signal ang pagsusuot ng βUmpakβ sa mga nabanggit na paaralan bawat Biyernes. Si Ana Amelita S. Lapotaje, Presidente ng IP Women Federation of Kidapawan ang umikot sa mga IP schools para sa kaukulang koordinasyon, pagkuha ng bilang at sukat, at schedule ng pamamahagi ng mga βUmpakβ. (CIO)