π—₯𝗨𝗑 𝗙𝗒π—₯ π—₯π—˜π—¦π—œπ—Ÿπ—œπ—˜π—‘π—–π—˜ π—‘π—š π—₯π—˜π—›π—œπ—¬π—’π—‘ π——π—’π—¦π—˜, π—šπ—”π—šπ—”π—‘π—”π—£π—œπ—‘ 𝗦𝗔 π—žπ—œπ——π—”π—£π—”π—ͺ𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗦𝗔𝗕𝗔𝗗𝗒 (π—π—¨π—Ÿπ—¬ 𝟭)

You are here: Home


NEWS | 2023/06/26 | LKRO


thumb image

Ang Lungsod ng Kidapawan ang siyang host ngayong taon sa gaganaping Run for Resilience o R4R nitong Sabado, July 1 na siyang magiging hudyat ng pagsisimula ng mga aktibidad ng National Disaster Resilience Month para sa taong kasalukuyan ng Rehiyon Dose. Ito ay lalahokan ng mga iba’t ibang Disaster Risk Reduction and Management Councils ng buong rehiyon at ng probinsya at lahat ng mga gustong lumahok at makisaya sa naturang aktibidad. Tinatayang aabot sa taatlong libong mga fun runners ang dadagsa sa Lungsod para sa R4R.

Libre ang pagpapatala o free registration. Maaring magparehistro online sa pamamagitan ng pag click nitong link
https://tinyurl.com/r4rndrm2023 at pwede rin sa mismong araw ng Fun Run na magparehistro. Sa mga on-site registrants ay kailangan lamang pumunta ng alas 4:00 ng madaling araw sa harap ng City hall upang magpatala.

5K at 3K ang event na nakahanda na may kategorya para sa elite, novice, senior citizen at mga kabataan. Tumataginting na P4,000.00 ang premyo plus medalya ang naghihintay para sa Champion ng 5K habang P3,000.00 naman ang cash prize para sa 3K. May premyo rin para sa 2nd at 3rd placers ng lahat ng kategorya. Maari din tingnan lamang ang larawan para sa mga karagdagang detalye.

Ang R4R ay itinatanghal ng Office of the Civil Defense XII, PDRRMO, City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Kidapawan at ng Globe Telecom.

Nananawagan naman ang OCD XII at CDRRMO sa lahat ng mga nais lumahok na magpa register na ng online upang iwasang maantala sa mismong araw ng Fun Run.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio