NEWS | 2023/06/26 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Hunyo 23, 2023) β SIYAM na mga asosasyon at kooperatiba mula sa lungsod ang nakabiyaya sa Livelihood Program ng City Government of Kidapawan.
Sa pamamagitan ng City Cooperatives Development Office o CCDO kasama ang Local Economic and Development Investment Promotions Office o LEDIPO at Civil Society Development Unit o CSDU ay nabigyan ng financial assistance o tulong ang mga sumusunod:
Kidapawan Mega Market Vegetable Vendors Association, Inc. (P135,000.00), Kidapawan Mega Market Jambolers Association (P87,000.00), Kidapawenos Food Handlers Association, Inc. (P60,000.00), Kidapawan City Beauty parlors Business Association (P100,000.00), San Roque Farmers Marketing Cooperative (P200,000.00), Kidapawan City United Vendors Credit Cooperative (P200,000.00), Mt. Apo 10 KR Multi-Purpose Cooperative (P200,000.00), Rural Improvement Club Producers Cooperative (P200,000.00), at Stanfilco Kidapawan Consumer Cooperative (P200,000.00) o kabuoang halaga na P1,382,000.00 na pautang.
Si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang nanguna sa ceremonial turn-over of checks na ginanap sa Flag Lowering Ceremony ngayong Biyernes, Hunyo 23, 2023, alas-kuwatro ng hapon.
Sinaksihan ito nina City Cooperative and Development Officer Dometilio B. Bernabe, CSDU Head Atty Levi Jones Tamayo, at mga Konsehal ng Lungsod ng Kidapawan na sina Galen Ray Lonzaga at Rosheil Gantuangco-Zoreta.
Ayon kay Bernabe, dumaan sa kauukulang proseso ang mga benepisyaryo bago tuluyang natanggap ang ayuda tulad ng project proposal, validation and assessment, at iba pa.
Masaya namang tinanggap ng mga opisyales at miyembro ng nabanggit na mga asosasyon ang naturang ayuda mula sa City Government of Kidapawan na naglalayong makaiwas sa 5-6 na pautang ang mga miyembro at magkaroon sila ng dagdag na puhunan para sa kanilang mga negosyo na unti-unti nilang babayaran.
Kasabay nito ang pangako na gagamitin ng tama ang ayuda at gagawin ang lahat ng makakaya upang mapalago ang kani-kanilang income-generating project. (CIO)