π—–π—œπ—§π—¬ π—šπ—’π—©π—˜π—₯π—‘π— π—˜π—‘π—§ 𝗔𝗧 π— π—žπ—ͺ𝗗 π— π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—§π—¨π—£π—”π—— π—‘π—š π—šπ—₯𝗒𝗨𝗑𝗗 π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ 𝗦𝗒𝗨π—₯π—–π—˜π—¦ π——π—˜π—©π—˜π—Ÿπ—’π—£π— π—˜π—‘π—§ 𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§ 𝗦𝗔 π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π——

You are here: Home


NEWS | 2023/07/06 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (July 5, 2023) MATUTUGUNAN na ang kahilingan ng mga residente sa dalawang purok ng Barangay Paco at Balindog na magkaroon ng serbisyong patubig matapos ang isinagawang groundbreaking ng proyektong Ground Water Source Development Project.

Malaki ang benepisyong hatid ng proyekto para mabigyan ng tubig ang mga residente ng Purok Rambutan ng Paco at Purok 2 ng Balindog , ayon pa kay City Mayor Atty Pao Evangelista .

Resulta ng partnership sa pagitan ng City Government of Kidapawan at Metro Kidapawan Water District na kamakailan lang ay pumasok sa isang kasunduan o Memorandum of Agreement na palaguin o idevelop ang mga ground water sources sa lungsod.

Pasasalamat naman ang ipinapaabot ng mga residente sa pamamagitan nina Balindog Chair Angelo Saniel at Paco Chair Edgarlito Elardo sa City Government at MKWD sa pagtugon sa kahilingang magkaroon ng serbisyong patubig ang ilan sa kanilang mga komunidad.

Naisakatuparan ang proyekto mula sa ginawang donation nina Apolinario Pantaleon ng Paco at Jerome at Haydee Amanzio ng Balindog ng kanilang lupa para paglagakan ng proyektong ground water source development.

Nagkakahalaga ng mahigit sa tatlong milyong piso ang bawat proyektong nabanggit na pinondohan ng 20% Economic Development Fund ng City Government.

Maliban kay Mayor Pao Evangelista, dumalo din sa aktibidad sina MKWD General Manager Stella Gonzales, City Councilors Jason Roy Sibug, Mike Ablang at Aljo Cris Dizon, mga barangay officials ng Paco at Balindog, at mga department managers ng City Government of Kidapawan.

Ginanap ang Ground Water Sources Development Project groundbreaking at ceremonial laying of time capsule umaga ng July 5, 2023.##(cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio