π—£πŸ­π—  π—–π—œπ—§π—¬ π—”π—œπ—— π—žπ—”π——π—” 𝗕π—₯π—šπ—¬ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—œπ—•π—œπ—•π—œπ—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—–π—œπ—§π—¬ π—šπ—’π—©π—˜π—₯π—‘π— π—˜π—‘π—§

You are here: Home


NEWS | 2023/07/17 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (July 14, 2023) MABIBIYAYAAN NG dagdag pang mga proyekto ang lahat ng barangay sa lungsod matapos maaprubahan ng City Developmemt Council ang pagbibigay ng P1 Million City Aid para sa mga BLGU’s.

P40,000,000 ang inilaang pondo mula sa 20% Economic Development Fund for CY 2024 ng City Government o katumbas ng tig isang milyong piso para sa bawat barangay ng lungsod, ayon pa kay City Mayor Atty.Jose Paolo Evangelista na siya ring Chair ng CDC.

Ibibigay ng City Government ang P1,000,000 City Aid kada barangay sa pamamagitan ng infrastructure development projects.
Layon ng City Aid na tulungang umunlad ang mga barangay sa pamamagitan ng mga proyektong makapagbibigay benepisyo sa mga residente.

Ang mga proyektong popondohan ng City Aid ay ang sumusunod, road concreting, water system at streetlighting projects.

Pwedeng pumili ng isa sa alinmang nabanggit na proyekto ang mga baranggay officials o di kaya, ay pwede ring tatlo basta’t pasok sa isang milyong pisong budget.

Ang mas nakabubuti rito ay hiwalay at may sariling budget ang proyekto sa ilalim ng City Aid na hindi magiging balakid sa pagpapatupad sa mga nauna ng mga proyekto, programa at serbisyo ng barangay.

Lubos namang ikinatuwa ng mga opisyal ng baranggay ang P1,000,000 City Aid dahil malaking benepisyo ang hatid nito sa kanilang mga constituents.

Ipatutupad ang pagbibigay ng City Aid sa susunod na taon pagkatapos ng Brgy/SK election sa buwan ng Disyembre 2023, pagtitiyak pa ni Mayor Evangelista.

Katuparan ito sa kanyang ipinangako na dagdag benepisyo, programa at proyekto sa mga barangay na kanyang inilahad sa State of Our City Address o SOCA kamailan lang.##(CIO/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio