NEWS | 2023/07/24 | LKRO
KIDAPAWAN CITY β (July 18, 2023) HALOS KADA BUHOS ng malakas na ulan noon ay umaapaw na kaagad ang tubig baha sa isang bahagi ng Malamote River sa tapat ng Lowisun Hardware sa Brgy Lanao dahil maliban sa maliliit na imburnal ng overflow bridge nito ay binabarahan pa ng mga samot-saring mga basura.
Ang ilog na ito na matatagpuan sa purok 6B ng Brgy. Lanao ay may maraming naniniran sa tabi at ang lumang overflow bridge dito ay madalas na nagsisilbing daanan patungo ng Brgy. Kalasuyan at New Bohol. Subalit sa tuwing malakas ang ulan ay nagsisialsa-balutan ang mga residente malapit sa ilog dahil sa pagtaas ng level at pag-apaw ng tubig mula rito. Maliban sa mga residente ay apektado din ng nasabing pagbaha ang mga motorista na nagsasanhi sa kanilang pagkabara sa magkabilang panig ng ilog.
Kung di naman tag-ulan ay pahirapan din ang mga sasakyan sa pagdaan dito dahil sa dumahilig na daan na ang dulo ay nasa mismong crossing ng national highway. Kaya naman at kailangan ng mga motorista na maging maingat dahil sa maaari silang madisgrasya o di naman kaya ay magkarambola gaya na lang ng sinapit ng ilang mga tricycle at sasakyan.
Ito ang mga kadahilan kaya naglaan ng pundo ang City Government upang maipagawa ang box culvert rito. Kaagad naman itong ipinatupad at ngayon ay tapos na nga ang proyekto.
Subalit ang lahat ng ito ay nagbago na, mula nang ipaayos ang box culvert sa ilog. Matatandaang ginanap ang groundbreaking ng naturang proyekto sa lugar nito lamang March 22. Ang pondong ginamit sa pagpapatupad ng proyektong ito ay nagmula pa sa 20% Economic Development Fund na nagakakahalaga ng abot sa P5.3M. Ang nasabing ilog ay pinalagyan ng dalawang barrel box culverts, slope protection, flood control, open canal at portland cement concrete pavement o PCCP.
Walang kahalintulad na ginhawa at katiwasayan na hatid sa mga tahanan na malapit sa naturang ilog maging ang mga motorista at mga taong dumadaan dito lalo na tuwing tag-ulan dahil ligtas na sila sa sakuna at masamang epekto ng pag baha.Karamihan sa kanila noon ay madalas nagmamadaling umuwi kapag dumidilim na ang langit lalo pa at bumubuhos na ang malakas na ulan.
Hindi na rin magkakarambola ang mga sasakyan papasok sa lugar, pahayag ng isa sa mga residente ng Brgy. Lanao, Kidapawan City sa katatapos lamang na pinagawang proyekto ng City Government of Kidapawan na Barrel Box Culvert sa lugar.
Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ni Punong Barangay Alberto Canonoy ng Lanao hinggil sa proyekto dahil sa pagbibigay prayoridad at pagpapabilis ni Mayor Pao Evangelista sa pagpapatupad ng naturang infrastructure project ng City LGU. ##(cio/rvh/)