NEWS | 2023/09/12 | LKRO
KIDAPAWAN CITY โ (September 4, 2023) PASADO SA Compliance Audit ng Commission on Audit (COA) ang City Government hinggil sa tamang paggamit nito ng 20% Economic Development Fund (EDF) para sa taong 2022.
Ibig sabihin kasi nito, tama at tugma sa itinatakda ng batas ang paggamit sa pondo ng City Government, base narin sa pagsusuring ginawa ng COA Regional Office XII.
Ikinagalak ito ni Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista dahil patunay aniya ito na tapat at mahusay ang paggamit ng public funds sa ilalim ng kanyang pumumuno.
Mula sa kabuuang 2022 Annual Internal Revenue Allotment o IRA na P1,257,782,466.00, akma ang naging paggastos ng City Government ng 20% na EDF galing sa IRA na nagkakahalaga ng P251,556,494.00, kung saan inilaan ito sa pagpapatupad ng mga pangunahing proyekto at programa para sa kaunlaran ng ibaโt-ibang sektor sa lungsod at pagbibigay ng mahusay na serbisyo-publiko para sa mga mamamayan.
Naging masunurin din ang City Government, sa hindi paggamit ng 20% para sa pasweldo ng mga empleyado, travel expenses at seminars, pagbili ng mga bagong sasakyan at kagamitan.
Basehan ng ginawang compliance audit ng COA ang Department of Budget and Management, Department of the Interior and Local Government at Department of Finance Joint Memorandum Circular No 1 dated November 4, 2020 o mas kilala bilang โRevised Guidelines on the Appropriation and Utilization of the Twenty Percent (20%) of the Annual Revenue Allotment for Development Projects.โ
Sinertipikahan at nilagdaan ni COA XII Acting Assistant Regional Director Atty. Abdul Gaffar R. Ali ang compliance audit na ginawa nito sa City Government. ##(CIO/lkro)