NEWS | 2023/09/18 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (September 15, 2023) β
MGA SERBISYO katulad ng birth registration, medical, dental at social services, mga serbisyong legal, pagpaparehistro at enrollment sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture, ilan lang ito sa dinala ng Lokal na Pamahalaan sa mga residente ng Barangay Sudapin nitong Biyernes, September 8, 2024.
Kabilang sa serbisyong handog ng LGU ang kasalan, kung saan mismong si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nangulo, para sa mga magsing-irog na matagal nang nagsasama.
Umabot sa 1,400 na mga residente ang nakabenepisyo sa outreach program na ito ng LGU na tinawag na, Kabarangayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo (KDAPS), na karaniwang isinasabay sa selebrasyon ng Founding Anniversary ng mga barangay.
Ang Sudapin ay isa sa malalaking barangay ng lungsod, na may 11,563 na populasyon (na nagrerepresenta sa 7.19% na kabuuang populasyon ng lungsod), base narin sa datus ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong taong 2020. ##(CIO/ra)