KIDAPAWAN CITY- (November 23, 2023)
Sasailalim sa Mandatory Inspection ang lahat ng mga pumapasadang pampasaherong tricycle sa lungsod bago sila papayagang makabyahe muli ng Traffic Management and Enforcement Unit (TMEU) at City Tricycle Franchising and Regulatory Board (CTFRB) sa susunod na taon.
Susuriin ng mga taga TMEU at CTFRB kung gumagana pa ang brake at signal lights ng mga tricycle units.
Kailangan ding may basurahan sa loob ng tricycle, malinaw na nababasa ang mga KD numbers, maayos na upuan at kisame, at higit sa lahat may prangkisa ang mga ito.
Simula ngayong December 1 hanggang 29, mula 8:00-11:00am at 2:00-4:30pm, isasagawa ang Mandatory Inspection.
Magbubukas ang opisina ng TMEU mula araw ng Lunes hanggang Sabado.
Samantala, inabisuhan naman ng opisina ang mga driver at operator na hindi pa nakakapagseminar na samantalahin ang natitirang schedule, na magtatapos sa susunod na linggo, para sa mas mabilis na renewal ng tricycle franchise para patuloy na makapag-operate sa susunod na taon.
KIDAPAWAN CITY – (November 22, 2023)
Dito sa Purok 1B sa Barangay Manongol, nakatakdang itayo ang pang-anim na ground water source project ng Metro Kidapawan Water District o MKWD sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan at Barangay LGU.
Kanina, isinagawa ang groundbreaking ceremony bilang hudyat ng pagsisimula ng proyekto, na tutugon sa suliranin ng mga residente at karatig-barangay tungkol sa madalas na pagkawala ng suplay ng tubig.
Sa Pebrero ng taong 2024 inaasahang matatapos ang proyekto, na pakikinabangan ng halos dalawang libong (1919) households.
Kidapawan City – (November 22, 2023)
Sa Barangay Sikitan dinala ng Lokal na Pamahalan ang Kabarangayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo (KDAPS) noong lunes, November 20, 2023
Higit isang libong(1147) mga residente ang tumanggap ng serbisyo sa programa.
Pinakamaraming naserbisyuhan ang City Agriculture Office (CAO), kung saan umabot sa 352 ang nakapagpakonsulta tungkol sa kanilang sinasaka, registration sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA), aplikasyon sa Cost Recovery Program, at tumanggap ng libreng binhi ng iba’t-ibang uri gulay.
Ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) naman ay nakapagtala ng 230 benepisyaro ng aplikasyon sa solo parent ID; napayohan tungkol sa pansarili, pampamilya at pag-aasawa; konsultasyon tungkol sa Violence against Women and their Children (VAWC); at libreng nakakain ng arrozcaldo at champorado.
Isandaang (100) mga bata rin ang tumanggap ng libreng school bags.
Katuwang ng City Government sa pagbibigay ng iba’t-ibang serbisyo sa barangay ang iba’t-ibang National Government Agencies katulad ng SSS, DAR, DOLE, NBI, PNP, BFP, Philhealth at Pagibig. Sumusuporta rin sa programa ang mga pribadong kompanya kagaya ng COTELCO.
Base sa 2020 datus ng Philippine Statistics Office o (PSA) ang Barangay Sikitan ay may kabuuang populasyon na 1, 671.
KIDAPAWAN CITY โ (November 21, 2023)
Pinuri ng Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, sa flag ceremony kahapon ang residente ng Barangay Manongol na si Jerry Lara, dahil sa karangalang inuwi nya sa lungsod.
Tinanghal bilang best DOLE-Assisted Livelihod Project Regional Winner sa Individual Category, at 5th Place nominee naman sa national level nitong nakaraang November 16, ang napalagong pangkabuhayan ni Jerry.
Taong 2019 tumanggap ng Acetelyn Igniter Set at Impact Drill Bit with Igniter si Jerry, bilang isa sa 891 na mga benepisyaryo, ng Kabuhayan Starter Kit sa lungsod, ng Department of Labor and Employment o DOLE – Integrated Livelihood Program (DILP) ng ahensya, sa pamamagitan ng Public Employment Services Office o PESO mula 2019 hanggang sa kasalukuyan.
Binuksan ni Jerry ang kanyang welding shop noong November 2019, upang suportahan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya, lalo pa’t sa kanya lang umaasa ang kanyang asawa at apat na mga anak.
Dahil sa ipinamalas nyang dedikasyon sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan at kagandahang-loob sa kanyang kapwa at sa pamayanan, tumanggap sya ng plaque ng pagkilala at P30,000.00 na cash incentive bilang gantimpala.
KIDAPAWAN CITY โ (November 21, 2023)
Tumanggap ng cash card, na naglalaman ng P5,000.00, ang higit limandaang (563) magsasaka sa lungsod noong Huwebes, November 16.
Sila yaong mga rehistrado sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture o RSBSA sa City Agriculture Office noong taong 2021.
Ang subsidiya mula sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ng Department of Agriculture, ay isang unconditional financial assistance para sa mga magsasaka sa bansa na mayroong hindi hihigit sa dalawang ektaryang basakan, na nakasaad sa Republic Act (RA) No. 11598, o ang Cash Assistance to Filipino Farmers Act of 2021.
KIDAPAWAN CITY- (November 20, 2023)
Dalawang araw na itinaguyod ng City Council for the Protection of Children (CCPC), City Social Welfare and Development (CSWD), World Vision, at Regional Council for the Welfare of Children (RCWC) ang Children’s Congress sa lungsod nitong weekend (November 18 at 19), bilang isa sa mga aktibidad ng National Children’s Month Celebration ngayong buwan.
Apatnapu’t apat (44) na mga kabataan, edad sampo (10) hanggang labing pitong (17) taong gulang, ang lumahok sa consultation at workshop, kung saan pinag-usapan at inunawa ang mga isyu na nais nilang isangguni sa Lokal na Pamahalaan.
Kabilang sa mga isyung nabanggit ang tungkol sa Child Labor, Child Abuse, Gangsterism, at Cyberbullying, at Teenage Pregnancy.
Pangunahing isyu ang Teenage Pregnancy, na kalimitang sanhi ng kanilang pag-usisa dahil narin kulang sila sa paggabay sa pagkakaroon nila ng access sa teknolohiya (lalo na online). Ito rin ang nagiging dahilan ng kanilang pagtigil sa pag-aaral.
Sa flag ceremony kanina sa City Hall Lobby nakiisa ang mga kawani, sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, na nanumpang makikibahagi sa pagtiyak na mapangalagaan ang mga karapatan at kapakanan ng kabataan sa pamamagitan ng mas angkop na mga programa at proyekto para sa kanila.
KIDAPAWAN CITY – (November 16, 2023)
Sa bahaging ito ng Purok 4B, Brgy Manongol ilalagay, ng Lokal na Pamahalaan, ang isang barrel box culvert, slope protection at Portlant Concrete Cement Pavement o PCCP.
Madalas kasing umapaw sa kalsada ang maliit na bahagi ng tubig dito, na kadalasang nagdudulot ng pagbaha lalo na tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.
Kanina, isinagawa ang groundbreaking ceremony ng proyekto, na nakatakdang matapos sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon.
KIDAPAWAN CITY โ (November 16, 2023)
Kahapon ay sinimulan na ng mga taga Traffic Management and Enforcement Unit o TMEU at City Tricycle Franchising and Regulatory Board o CTFRB ang walong (๐ araw na Traffic Rules and Regulations Seminar para sa lahat ng tricycle drivers at operators sa lungsod.
Pangunahing requirement ang seminar para makapag-renew ng prangkisa at permit ang mga ito.
Saklaw ng seminar, na isinasagawa sa loob ng City Gymnasium, ang mga batas trapiko at tamang pakikitungo sa kanilang mga pasahero.
November 15 hanggang 16 ang schedule ng seminar para sa mga KD Route 1 o may rutang Barangay Poblacion, at KD Route 2, dahil ang mga ito ang may pinakamaraming bilang ng mga pampasaherong tricycle sa lungsod.
๐๐ ๐๐ค๐ซ๐๐ข๐๐๐ง 20, ๐ฃ๐๐ ๐ ๐จ๐๐๐๐๐ช๐ก๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ช๐ฉ๐ 2, 3 ๐๐ฉ 4. ๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐ค๐ซ๐๐ข๐๐๐ง 21 ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ฎ ๐๐ค๐ช๐ฉ๐ 3, 4, 5.
๐๐ ๐๐ค๐ซ๐๐ข๐๐๐ง 22 ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ช๐ฉ๐ 4, 5, 6, 7. ๐๐ ๐๐ค๐ซ๐๐ข๐๐๐ง 23 ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ช๐ฉ๐ 5, 6, 7, 8. ๐๐ ๐๐ค๐ซ๐๐ข๐๐๐ง 27 ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ 28 ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ช๐ฉ๐ 9, 10, 11.
At ang huling araw ng seminar sa November 29 ay bukas para sa lahat ng ruta na hindi nakapagseminar.
Simula December 1 hanggang 29 naman, maliban sa mga araw ng Linggo, ay isasagawa ang inspection o pagsusuri sa lahat ng tricycle units sa opisina ng TMEU.
Sa tala ng TMEU, mayroon 3,350 rehistradong pampasaherong tricycle sa lungsod.
KIDAPAWAN CITY โ ( November 16, 2023)
Nasa apat naraan at pitumpong (470) residente ng lungsod, na mayroong hindi bababa sa 100 square meters na fish pond, ang tumanggap na ng fingerlings ng isdang tilapia at hito mula sa City Government.
Ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist, kasama na sa bilang na ito ang tatlumpong (30) na mga residente ng mga Barangay Sikitan, Meohao, Balabag, Ilomavis, Paco, Binoligan, at San Isidro, na mga miyembro ng Fisherfolks Association, nitong mga araw ng Martes at Miyerkules (November 14 at 15, 2023) ang nakatanggap ng tulong.
Layunin ng programa na mabigyan ng kabuhayan ang mga benepisyaryo, habang nakakatulong din sa isinusulong na food sufficiency program ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.
Kung saan, ibinebenta sa Merkado Kidapawenyo kada araw ng Sabado ang mga locally produced na tilapia mula sa mga mangingisdang benepisyaryo ng programa.
Katuwang ng City Government sa programa ang Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.
Isandaan at lima (105) pa na mga residenteng nagmamay-ari ng fishpond sa lungsod ang nakatakdang makatanggap ng tilapia at hito fingerlings sa susunod na mga araw.
KIDAPAWAN CITY โ (November 15, 2023)
Tumanggap ng mga itlog, karneng manok, isda, mga gulay, at groceries ang mga tagapangasiwa ng isandaan at apat (104) na Daycare Centers mula sa apatnapung (40) Barangay sa lungsod, sa City Pavilion, kanina.
Kaugnay ito ng Supplemental Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) XII, katuwang ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO, sa pakikipagtulungan ng City Nutrition Office o CNO, upang tugunan ang undernourishment o kakulangan sa nutrisyon, taas na di angkop sa edad, at sobrang kapayatan na di angkop sa taas ng mga mag-aaral ng Daycare.
Ang feeding program ay magtatagal hanggang sa buwan ng Abril 2024 o sa loob ng isandaan at dalawampung (120) araw.
Kung kaya, dalawang beses sa isang buwan ang bigayan ng suplay.
Maghahatid din ng gatas at complimentary nutritious curls, na gawa sa bigas at monggo na manggagaling sa Complimentary Feeding Production Center ng LGU sa Brgy. Magsaysay, kada linggo.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mas magiging malusog at maliwanag ang kinabukasan ng mga kabataan sa kanilang murang edad.