NEWS | 2023/12/11 | LKRO
KIDAPAWAN CITY β ( December 11, 2023)
Mula buwan ng Enero hanggang unang linggo ng Disyembre ng taong ito, umabot sa higit labing pitung libo (17,208) na mga motorista na ang nahuli ng mga kawani ng Traffic Management and Enforcement Unit o TMEU dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 15352, s.2023 o ang Mandatory Wearing of Helmet while Driving/Riding.
Ayon sa taga TMEU, karamihan sa mga nahuli nila ay mga mag-aaral sa kolehiyo, na nagmomotor papasok at pauwi ng paaralan.
Kaya naman, nagpadala na ng liham ang City Government sa pamunuan ng lahat ng Pribado at Pampublikong Eskwelahan sa Kolehiyo na naghihikayat sa kanilang paalalahanan ang kanilang mga mag-aaral na sumunod sa ipinatutupad na batas ng lokal na pamahalaan tungkol sa pagsusuot ng helmet para narin sa kanilang kaligtasan.
Narito ang multa at parusa sa bawat pagkakadakip na driver at back rider;
1st Offense – P250.00 with Community Service
2nd Offense – P500.00 with Community Service and attendance to a Seminar on traffic laws anfd regulations
3rd Offense – P1,000.00 with Whole Day Community Service and endorsement to City PNP for record purposes
4th Offsense – P2,000.00 and/or Imprisonment of 1 year or both at the discretion of the Court
Umaasa ang City Government na bibigyang halaga ito ng mga driver at back rider ng motorsiklo dahil maliban sa seryoso ang LGU sa pagpapatupad nito, ang kapakanan lang din naman nila ang tinitingnan ng ordinansa.