KIDAPAWAN CITY (January 30, 2024) – Isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa ipapagawang Road Concreting, Slope Protection, Open Canal at Reinforced Cement Pipe Culvert o RCPC Installation sa mga barangay ng Balindog at Lanao ng lungsod nito lamang araw ng Martes, January 30, 2024 bilang tugon sa suliranin ng mga residente sa kanilang daan.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga residente dahil mas mapapabilis nito ang pagpapalabas ng kanilang produkto papunta ng merkado at ang pagpasok ng kaunlaran sa kanilang mga lugar.
Inaasahan namang magagamit na ang mga proyektong ito sa Hunyo ng taong kasalukuyan.
KIDAPAWAN CITY (January 30, 2024) – Isa sa pangunahing prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ang pagsiguro sa kapayapaan at kaayusan sa lungsod kung kaya ito’y nakikipagtulungan sa Kidapawan City PNP para mas mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad.
Upang mas maging mabisa ang tauhan ng Kidapawan City PNP sa pagpapalaganap ng batas at kaayusan sa lungsod ay sumailalim sila sa Gun Safety Orientation at Firearms Marksmanship and Proficiency Training sa Brgy. New Corilla, Makilala na pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at Kidapawan City Chief of Police PLtCol. Dominador L. Palgan, Jr. nitong araw ng Martes, January 30, 2024.
Bilang tulong sa pagpapabuti ng shooting and marksmanship skills ng kapulisan ay sinagot ng alkalde ang gastusin nila sa ammunition at pagsasanay upang masigurong ang lahat ng tauhan ng Kidapawan City PNP ay well-trained at handang rumesponde sa ano mang uri ng kriminalidad sa lungsod sa lahat ng pagkakataon.
Giit pa ng Alkalde na sa pamamagitan nito ay mas lalaki ang kumpyansa ng kapulisan sa kanilang kakayahan na masiguro ang kaligtasan at katiwasayan ng pamumuhay ng publiko.
KIDAPAWAN CITY (January 30, 2024) – Ginhawa ang hatid ng KDAPS Expand Health Services sa mahigit dalawang daang (224) residente ng Purok Tambis, Kanapia Subdivision ng Barangay Poblacion ng lungsod.
Mga Health Services gaya ng libreng tuli, nutritional needs para sa buntis at mga bata, laboratory services tulad ng ultrasound, urinalysis, random blood sugar, dental services o pabunot ng ngipin, consultation at pharmacy.
Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at mga health services providers ng City Health Office ang KDAPS Expand Health Services.
Kung ang KDAPS (Kabaranggayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo) ay ginagawa sa mga barangay noon, simula ngayong taon ay ipatutupad na rin ito sa mga pamayanan sa lungsod para mas mailapit pa sa mga residente ang serbisyo, proyekto at programa ng City Government.
Kidapawan City [January 30, 2024] – Humanga si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa dalawampu’t isang (21) mga IP mula sa ibat ibang barangay ng lungsod na nagtapos ng Vocational Training Program at Alternative Learning System Skills Training Program na ginanap sa Notre Dame of Kidapawan College (NDKC) noong sabado, January 27, 2024.
Kabilang sa mga kursong tampok sa Vocational Training at ALS ay Dress Making, Small Metal Art Welding, Hotel and Restaurant Services, Beauty Care at Computer Literacy.
Makakatulong ang mga nabanggit na mga kurso upang magkaroon ng kabuhayan ang mga IP na nagtapos sa pamamagitan ng nabanggit na programa.
Nangako naman si City Mayor Evangelista na magbibigay pa ng dagdag na livelihood kits ang City Government bilang dagdag na tulong sa mga nagtapos upang mapalago ang kanilang kabuhayan.
KIDAPAWAN CITY (January 30, 2024) – Pinangunahan ni Liga ng Barangay ABC President Ricardo P. Reforial ang sesyon ng mga Punong Barangay ng lungsod kaninang umaga ng Martes, January 30.
Espesyal na bisita ng sesyon ng Liga ng Barangay si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, at mga department managers mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Social Welfare and Development Office, City Health Office, City Environment and Natural Resources Office, at Cotabato Electric Cooperative o Cotelco.
Nagpaabot naman ng suporta si Mayor Evangelista sa bagong pamunuan ng Liga ng Barangay sa pamamagitan ng ipatutupad na mga proyekto sa kani-kanilang lugar ngayong taon.
Ipinag-bigay alam naman ng iba pang department managers na magpapatupad ng programa, proyekto at serbisyo ang kanilang mga tanggapan sa mga barangay sa mga susunod na araw.
KIDAPAWAN CITY (January 29, 2024) – Upang mas mapalakas ang kampanya ng Kidapawan City PNP laban sa kriminalidad ay nagbigay ang City Government of Kidapawan ng limang bagong units dito.
Ito ay kinabibilangan ng dalawang scooter type at tatlong on/off road motorcycles.
Ang mga ito ay pauna lamang sa dalawampung (20) units na ipinangako ng Lokal na Pamahalaan upang mas mapaigting pa ang police visibility sa lungsod, hindi lamang sa mga pangunahing lansangan, kundi gayundin sa mga liblib na mga lugar.
Ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, umaasa syang paiigtingin pa ng mga kapulisan ang pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan sa lungsod.
KIDAPAWAN CITY (January 29, 2024) – Isa sa pangunahing problema ng mga residente at motorista sa mga liblib na parte ng barangay ay ang mga lubak at maputik na daan.
Bilang tugon sa problemang ito ay isinagawa ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, ang Groundbreaking ceremony para sa Road concreting, Slope Protection, at Reinforced Concrete Pipe Culvert o RCPC Installation sa mga Barangay ng Paco, partikular na sa Sitio Caloocan at Purok 6 ng Brgy. Mateo.
Inaasahan namang magdadala ng kaunlaran sa lugar ang mga nabanggit na proyekto na mapapakinabangan na sa buwan ng Abril.
KIDAPAWAN CITY (January 29, 2024) – Sinimulan ngayong araw ang paglalagay ng Solar Powered Streetlights, partikular na sa Icdang Street ng lungsod.
Ito ay pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, kaugnay sa pinaigting na kampanya ng Lokal na Pamahalaan laban sa kriminalidad, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng lungsod.
Ayon kay City Mayor Evangelista, ang pondo para sa pagpapailaw sa mga lansangan ay mula sa 1.2M Peace and Order Fund.
Laking pasasalamat naman ng mga residente ng lungsod, dahil sa kapanatagang dulot ng proyekto.
KIDAPAWAN CITY (January 25, 2024) – Isinagawa ngayong araw ng Huwebes, January 25, ang Groundbreaking ng Road Concreting Project sa Barangay Sudapin ng lungsod.
Nagkakahalaga ng mahigit P13 Million (P13,034,000) sa isa’t kalahating kilometro (1,658.6 meters) na proyekto na magkukonekta sa Estaňol Subdivision – KCRP Habitat at Barangay Sudapin.
Isa lamang sa nabanggit ang mga kahalintulad na proyekto na ilalagak ng City Government na magbibigay benepisyo sa mamamayan at kaunlaran sa mga barangay ng lungsod, ayon pa kay City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista.
Ipinaabot naman ni Punong Barangay Jon Karl T. Sibug ang pasasalamat ng kanyang mga constituents sa City Government sa paglalagak ng naturang road concreting project sa kanilang lugar.