15 FIELD WORKERS NG CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE (CSWDO) BINIGYAN NG ‘GO BAGS’ NG CITY LGU

You are here: Home


NEWS | 2024/01/17 | LKRO


thumb image

Kidapawan City (January 16, 2024) — Bilang suporta sa ipinatutupad na Disaster Response Program ng Lokal na Pamahalaan, sa ilalim ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), binigyan nito ng Emergency Go Bags ang labing limang (15) fieldworkers ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kasabay ng flag ceremony kahapon.

Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista (na sya ring Chairman ng CDRRMC) ang pamimigay ng Go Bags, na naglalaman ng Headlamp with Strap, Safety Boots, Raincoat, Customized Water-Resistant Jacket, Emergency First Aid Kit with Bag, Rescue Whistle, at Handheld Radio.

Makakatulong ang Go Bags lalo na sa kanilang pagresponde sa tawag ng serbisyo alang-alang narin sa kanilang kaligtasan.###



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio