NAKUMPISKANG MGA MODIFIED MUFFLER AT MOTOR DINUROG NG CITY GOVERNMENT

You are here: Home


NEWS | 2024/01/22 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 22, 2024) – Dinurog ng pison ng City Government ang mga nakumpiskang modified muffler o tambutsong ‘bora-bora’ pati na mga motorsiklong gumagamit nito, kaninang umaga ng January 22.

Ginawa ang pagdurog sa mismong harap ng City Hall na sinaksihan naman ng mga empleyado, at ng publiko na pumunta sa lugar.
Sa datos ng Traffic Management and Enforcement Unit o TMEU, mahigit sa tatlumpu (34) mga tambutsong bora-bora at iba pang limang (5) units ng single na motor na kinabitan nito ang kanilang nakumpiska at tuluyang sinira ngayong araw.

Dagdag pa ang mga ito sa mahigit isandaang tambutsong bora-bora (101) na nauna na ding kinumpiska ng City PNP mula sa kanilang operasyon sa iba’t-ibang barangay ng lungsod, ayon pa sa TMEU.

Magsisilbing babala, wika pa ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, sa mga gumagamit na ipinagbabawal na modified muffler ang mas pina-igting na kampanya ng City Government laban dito.

Bukod pa sa mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang paggamit nito, ay lubhang nakakabulahaw ang ingay ng andar ng motor na may tambutsong bora-bora.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio