NEWS | 2021/01/19 | LKRO
224 INDIGENT BENEFICIARIES TUMANGGAP NG TULONG PANGKABUHAYAN MULA SA DOLE AT CITY GOV’T
KIDAPAWAN CITY – DALAWANG DAAN AT DALAWAMPU’T APAT NA MGA indigent beneficiaries ang tumanggap ng kani-kanilang Livelihood Starter Kits mula sa City Government at Department of Labor and Employment nitong nakalipas na January 14, 2021.
Pinondohan ng DOLE sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP at ng City Government ang tulong pangkabuhayan ng nasabing bilang ng mga benepisyaryo ng programa.
Layun nito na makatulong na magkaroon ng pagkakakitaan ang mga mahihirap na mamamayan na lubos na naapektuhan ng Covid19 pandemic.
Sila yaong mga dumaan sa validation mula sa kanilang mga barangay officials at Public Employment Services Office ng City Government na lubos na nangangailangan ng tulong pangkabuhayan.
Marami sa kanila ang una ng nawalan ng regular na kita matapos ang pananalasa ng pandemya noon pang March 2020.
Pangalawa na ito sa mga tulong kabuhayan sa ilalim ng DILP na ibinibigay ng DOLE at City Government kung saan ay nakapagbigay ng paunang livelihood assistance buwan ng Nobyembre noong nakalipas na taon.
Mga kagamitan para sa: maliit na karinderya; bakery, pagluluto at paglalako ng pritong manok, balut at kakanin; barber shop at cosmetology gaya ng manicure at pedicure ang ilan lamang sa mga tulong pangkabuhayan na natanggap ng mga beneficiaries na nagmula pa sa iba’t-ibang barangay ng lungsod.
Ginawa ito upang agad makapagsimula ng maliit na negosyo ang mga beneficiaries, kapwa tugon pa ng DOLE at PESO na kapwa nangasiwa sa pagbibigay ng ayuda sa petsang nabanggit sa Mega Tent ng City Hall.
Bagamat at libre ang tulong, hinikayat naman kapwa ng DOLE at City Government na palaguin ng mga beneficiaries ang kanilang maliit na negosyo dahil bukod pa sa kikita sila mula rito, ay mas madali na rin silang makatangap ng iba pang ayudang magmumula sa Pamahalaan. ##(CIO/JPE/lkro)
photo credit to Ms. Jvy B. CAlunsag of PESO Kidapawan