30 FISH FARMERS NABIGYAN NG DAGDAG KAALAMAN SA TILAPIA GROW-OUT CULTURE TRAINING

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/07/19 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (July 19, 2022) – DAGDAG na kaalaman sa pag-aalaga at pagpaparami ng isdang tilapia ang nakamit ng abot sa 30 mga fish farmers sa Lungsod ng Kidapawan.

Ito ay sa ilalim ng Fisheries Cost Recovery Program ng Office of the City Agriculturist (OCA) na naglalayong palakasin ang food production and sustainability sa harap ng nagpapatuloy na pandemiya ng COVID-19, ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan.

Sinabi ni Aton na mahalaga ang mga inputs na makukuha ng mga tilapia growers dahil ang grow-out stage ay may pinakamahabang panahon at may mga prosesong kailangang sundin.

Nagmula sa iba’t-ibang barangay ang mga lumahok sa 1-day training na kinabibilangan ng Balabag (2), Meohao (2), Ilomavis (5), Mua-an (2), Sudapin (1), Balindog (2), Paco (3), Onica (1), Sikitan (5), San Isidro (1), Linangkob (2), New Bohol (3), at Manongol (1).

Nagsilbing resource person sa training ang 4H Club Federation President at Vice Chairman ng Ilomavis Fisherfolks Association Darryl C. Flores. 

Ginanap ang aktibidad bago lamang sa La Villa Aquafarm, Barangay Manongol, Kidapawan City.

Matatandaang isa ang pagpapalakas ng supply ng pagkain ang tinutukan ng City Government of Kidapawan sa kasagsagan ng COVID-19 noong 2020 at 2021 at tuloy-tuloy lang ito sa administrasyon ng bagong-upong alkalde na si Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na nagsusulong din ng agri-tourism sa lungsod. (CIO-jscj/photos by OCA)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio