NEWS | 2022/06/17 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (June 16, 2022) – SA ikatlong pagkakataon ay nagsagawa ng face-to-face Job Fair for Local and Overseas Employment ang Public Service Employment Office o PESO Kidapawan nito lamang June 14, 2022 sa pakikipagtulungan ng Kidapawan Doctors College, Inc. o KDCI.
Kaugnay nito, abot sa 64 na mga aplikante ang agad na tumugon sa naturang job fair kung saan 29 ang nag-qualify sa mga job vacancies o openings at 1 naman ang Hired on the Spot o HOTS.
Kabilang naman sa mga local partners ang VXI Holding Global B.V, Outbox Solution, Toyota Kidapawan City at sa mga overseas partner ay ang Zontar Manpower Services, Inc., Gods Will International Placement, Inc., SMC Manpower Agency, at EarthSmart Human Resource Phil. Inc.
Iba’t-ibang trabaho ang nag-aantay sa mga job seekers at kabilang rito ay ang cashiering, sales representative, customer service, managerial, technical, at iba pa,
Sinabi ni PSO III at PESO Kidapawan Manager Herminia C. Infanta na malaking tulong ang mga job fair para makapagtrabaho ang mga aplikante sa lungsod maging ito man ay local o overseas work.
“Sa ikatlong pagkakataon ay ginawa natin ang face-to-face activity na ito na naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga job seekers na makahanap ng magandang mapapasukan at umangat ang antas ng pamumuhay”, ayon kay Infanta.
Pinasalamatan niya ang Department of Labor and Employment o DOLE 12 na partner din ng PESO sa job fair kasama ang KDCI.
Nagpahayag naman ng katuwaan si City Mayor Joseph A. Evangelista at sinabing magpapatuloy ang kahalintulad na aktibidad upang mas marami pang mamamayan ang matulungan.
“Tinitiyak po ng ating City Government na magsasagawa pa ng mga job fair ang PESO Kidapawan katuwang ang iba pang ahensiya ng gobyerno upang makapagbigay tayo ng mas malaking oportunidad sa mga Kidapaweno.
Ginanap ang job fair sa Social Hall ng Kidapawan Doctors College, Inc. o KDCI kung saan tiniyak na nasusunod ang mga itinakdang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face masks, disinfection, at social distancing. (CIO-jscj/photos credits PESO Kidapawan).