419 SENIOR CITIZENS NABAKUNAHAN KONTRA COVID19

You are here: Home


NEWS | 2021/04/26 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY- Abot na sa 419 na mga senior citizens ang nabakunahan ng Covid-19 vaccine sa pangunguna ng City Government of Kidapawan.

Sa datos na ipinalabas ng City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU, nakapaoob rito ang kabu-oang bilang ng mga senior citizens mula sa Barangay Poblacion, Sudapin, Singao, Lanao at Manongol na mga lugar naman kung saan ay naitala ang nakararaming kaso ng Covid19 sa Kidapawan City.

Ginawa ang vaccination ng Sinovac sa mga nakakatanda nitong April 22, 23 at 24, 2021 sa Kidapawan Doctors College Campus.

Sa nasabing bilang, 88 sa mga senior citizens ay napabilang sa A.1 priority list ng pagbabakuna o mga seniors na mga frontliners samantalang ang nalalabing bilang ay pawang nasa A.3 priority list.

Wala namang naiulat na adverse effects sa mga nakatatanda ang bakuna, bagkus, hinihikayat pa nila ang publiko na huwag matakot na maturukan nito.

Maliban pa sa malaking benepisyo ang maibibigay ng bakuna kontra Covid19, anila, huwag din maniwala sa maling impormasyon patungkol dito.

Marami sa kanila ang may controlled comorbidity  gaya ng hypertension, diabetes at iba pang sakit ngunit nabigyan ng bakuna.

28 days mula sa unang dose ang kanilang hihintayin bago ang second dose ng bakuna.##(cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio