NEWS | 2019/04/22 | LKRO
6 na bagong motorsiklo ginagamit na para sa public safety program ng City LGU
KIDAPAWAN CITY – ANIM NA MGA BAGONG MOTORSIKLO ang ginagamit ngayon para mas mapabilis pa ng City Government ang pagsusulong ng Public Safety programs nito.
Ito ay katuparan sa pagpupunyagi ni City Mayor Joseph Evangelista na masegurong nakahanda 24/7 ang City LGU na gawing ligtas at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamayanan.
Apat na mga bagong Yamaha NMAX 155 at dalawang Honda CBR 150 ang binili ng City LGU at naiturn over na kamakailan lang para sa agarang pagtugon sa kaso ng emergencies.
Ginagamit na ang apat na Yamaha NMAX ng City Call 911 para tugunan ang mga medical emergencies na hindi na nangangailangan pa ng ambulance services.
Sa pamamagitan ng mga bagong motorsiklo, agad tutugon ang City Call 911 sa tawag sa radyo sa mga nagnanais makatanggap ng serbisyo tulad ng first aid, pagpapagamot sa mga simpleng sugat at iba pang katulad na emergencies na hindi na kinakailangan pang gumamit ng ambulansya.
Kapwa may kaalaman ang driver ng motor at ang Emergency Medical Technician na magkapares na magbibigay ng first aid.
Samantala, ang dalawang bagong Honda CBR 150 ay binigay ng City LGU sa task group Kidapawan.
Gagamitin ang mga bagong motor sa aspeto ng seguridad tulad na lamang ng paghabol sa mga masasamang loob at karagdagang visibility ng mga security forces sa pampublikong lugar sa lungsod.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga ginagawa ni Mayor Evangelista sa aspeto ng public Safety.
Maala-alang kinwestyon ng kanyang katunggaling si Vice Mayor Jun Piñol ang mga hakbang ni Mayor Evangelista na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Sa kabila ng isyung binabato sa kanya, nananatiling ‘ focus’ sa kampanya ang alkalde at ang kanyang Team Solid Performance.
Malinaw naman ang nakabenepisyo ng malaki sa kaligtasan ng publiko ang kanyang mga nagawa sa ilalim ng Public Safety programs,wika pa ni Mayor Evangelista.#(cio/lkoasay)