NEWS | 2022/06/17 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (June 16, 2022) – MULING nakinabang ang mga senior citizens ng lungsod sa libreng eye and ear check-up na ginanap sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) mula June 14-15, 2022.
Abot sa 236 senior citizens ang sumailalim sa cataract/pterygium check up at iba pang eye condition.
Mga personnel ng Deseret Ambulatory Hospital (Kabacan) ang nagsagawa ng eye check at nanguna rito ang kanilang Head Nurse na si Ibrahim M. Lumala kasama ang dalawa pang nurses sa unang Araw ng aktibidad.
Abot naman sa 462 senior citizens ang sumailalim sa kahalintulad na eye check-up sa ikalawang are at mula sa bilang na ito ay 458 ang mabibigyan ng libreng antipara, 4 ang for referral dahil sa mataas ang grado ng salamin ang kanilang kailangan.
Sina Dr. Reynard Gapul at Dr. Raymond Gapul, kapwa Optometrist mula sa Gapul Optical Clinic ang eye examination.
Samantala, 68 na mga senior citizens Naman ang sumailalim sa libreng ear check-up na isinagawa ni Dr. Bryant Martinez, EENT specialist mula sa Kidapawan Doctors Hospital, Inc. (KDHI).
Sinabi ni OSCA Special Program in-charge Melagrita S.Valdevieso na
malaking tulong ang aktibidad lalo na’t patuloy na tumataas ang halaga ng mga pangunahing bilihin na siya namang madalas na dahilan kung bakit napapabayaan ang kalusugan ng mga lolo at lola.
Tiniyak naman ni OSCA Head Susana Llerin na sa tulong ng City Government of Kidapawa ay hindi dito nagtatapos ang mga programa para sa mga senior citizens ng lungsod.
“Patuloy kami sa pagsasagawa ng mga programa para sa kapakanan ng ating senior citizens sa tulong ng ating butihing alkalde na si Mayor Joseph A. Evangelista”, sinabi ni Llerin.
Ikinatuwa naman ni City Mayor Joseph A. Evangelista ang mga hakbang ng OSCA dahil malapit sa kanyang puso ang mga lolo at lola.
Dagdag pa rito ay tiniyak din ng alkalde na mas lalo pang palalakasin ni incoming City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang mga nasimulang programa at proyekto para sa kapakananan ng senior citizens. (CIO-vh/if)