912 RESIDENTE NG BARANGAY KALASUYAN ANG NABIGYAN NG SERBISYO NG KDAPS 2.0

You are here: Home


NEWS | 2024/03/12 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (March 8, 2024) PINANGUNAHAN ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang pamimigay serbisyo at kasiyahan sa pamamagitan ng Kabaranggayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo o KDAPS 2.0 para sa mga mamamayan ng Barangay Kalasuyan dito sa lungsod.

Muling dinala ng Lokal na Pamahalaan kasama ang mga partner agencies ang mga pangunahing serbisyo para sa mga residente na ginanap nitong araw ng Biyernes, March 8.

Sampung pares ang ikinasal ng alkalde sa Kasalan ng Barangay na siyang panimula sa KDAPS.

912 na mga residente ng barangay ang nabigyan ng libreng manicure, pedicure, libreng gupit, libreng tuli, anti-rabies vaccine, at iba pa.

Namigay din ng bag pang eskwela si Mayor Evangelista sa mga bata edad 5-6 years old na nakatira sa lugar.

Ilan lamang sa mga tanggapan na nagbigay ng serbisyo sa KDAPS 2.0 ay: iba’t-ibang tanggapan ng City Government, Department of Agrarian Reform, Land Transportation Office, Department of Labor and Employment, Philhealth, Social Security System, Philippine Army, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Cotabato Electric Cooperative, Metro Kidapawan Water District at iba pa.

Pasasalamat naman ang ipinararating sa City Government at partner agencies ng mga residente sa pamamagitan ng kanilang Punong Barangay Andres A. Enghog, Jr. at mga kasapi ng Sanguniang Barangay.

Ang Barangay Kalasuyan ay mayroong 4,140 na populasyon, base sa 2020 Census ng Philippine Statistics Authority o PSA.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio