NEWS | 2022/12/13 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (December 12, 2022) – NAGING masaya at mas makubuluhan ang pagdiriwang ng Pasko ng mga kabataan sa Barangay Malinan, Kidapawan City.Ito ay matapos na idaos doon ngayong araw ng Lunes, Disyembre 12, 2022 ang Project Angel Tree 2022 ng City Government of Kidapawan sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment o DOLE at iba pang ahensiya ng pamahalaan.Abot sa 96 na mga child laborers ang nabigyan ng Noche Buena package bawat isa. Binigyan din sila ng 3 kilos rice, 2 sardines, 3 noodles, and hygiene kits (alcohol, towel, safeguard, tooth brush, toothpaste, at slippers.Para naman sa 161 pupils (Malinan Elem. School), binigyan ang bawat isa ng rice, sardines, noodles, hygiene kits, school supplies at biscuits.Ang Project Angel Tree ay bahagi ng Child Labor Prevention and Elimination Program ng DOLE na naglalayong tulungan ang mga kabataang nasasadlak sa hindi kaaya-ayang sitwasyon. Bahagi nito ang pagtupad sa mga kahilingan ng mga batang mahihirap sa pamamagitan ng mga “angels” o mga sponsors at benefactors.Isinusulat nila ang kahilingan sa papel at inilalagay sa Christmas tree upang makita o mabasa ng mga sponsors/benefactors. Kadalasan, hiling ng mga bata ay gamit sa eskwelahan o school supplies, sapatos, damit, at iba pa na hindi maipagkaloob ng kanilang mga magulang o pamilya.Ngayong taon ay napili ang mga bata sa Barangay Malinan upang maging recipient ng Angel Tree project upang mapasaya naman ang maraming mga child laborers at depressed families ngayong pasko.Dumalo rin ang mga representante ng iba’t-ibang government agencies tulad ng DOLE, DTI, CSWD, TESDA, Office of the City Agriculturist na patuloy na nagtutulungan upang mapaangat ang kalagayan ng mga bata sa Barangay Malinan.Nagbigay naman ng kanyang message of support para sa proyekto si DOLE Cot FO PD Marjie Latoja.Samantala, nakiisa din ang Kidapawan City OFW Federation, Inc. at ang Kidapawan National High School Batch ’81 sa aktibidad at nagpaabot ng sariling tulong para sa mga bata.Kaugnay nito, nagpasalamat naman sina Gemma Pajes, Punong Barangay ng Malinan at Cesar Molino, School Head ng Malinan Elem School sa mga tanggapan na nagbigay ng saya sa mga bata at sa pamilya ng mga ito. Partikular din nilang pinasalamatan si Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa mga programa nito para sa kapakanan ng mga kabataan tulad na lamang ng pag-organisa sa hanay ng kabataan (Barangay Children Association) upang magkaroon ng boses at representasyon bilang mahalagang bahagi ng lipunan.Batid rin daw nila ang sinseridad ng mga ahensiya na matulungan ang mga bata lalo na ang mga child laborers at iba pang mahihirap na mag-aaral na malampasan ang mga suliranin at magsikap upang mabago ang takbo ng kanilang buhay. (CIO-jscj//if//nl)