Hybrid Corn seeds assistance para sa mga magsasakang apektado ng El Nino ipamimigay na

You are here: Home


NEWS | 2019/06/04 | LKRO


thumb image

Hybrid Corn seeds assistance para sa mga magsasakang apektado ng El Nino ipamimigay na

KIDAPAWAN CITY – NAGBIGAY NA NG KANYANG GO SIGNAL SI CITY MAYOR Joseph Evangelista na ibigay na ang mga hybrid corn seeds na tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng El Nino phenomenon.
Pwede ng kunin ng mga Farmers Association Beneficiaries ng tatlumpo at pitong mga barangay na sinalanta ng El Nino ang mga hybrid corn seeds sa Operations Center ng City Call 911.
Bahagi ng Calamity Fund na naglalayung tulungang makabangong muli ang mga magsasakang naapektuhan ang hanapbuhay dulot ng tagtuyot ang ayudang nabanggit.
Una ng idineklara under the State of Calamity ang lungsod dahil sa epekto ng EL Nino.
Magdedepende ang dami ng corn bags na matatanggap ng mga FA’s sa lawak ng mga taniman ng mais na sinalanta ng El Nino, ito ay ayon pa kay City Agriculturist Marissa Aton.
120 ektaryang maisan ng Barangay Onica ang pinakamatinding sinira ng halos apat na buwan na walang mga pag-ulan sa lugar.
Ito ay katumbas sa 134 sako ng binhi ng mais ang matatanggap ng mga magsasaka ng Onica, wika pa ni Aton.
596 na ektaryang maisan sa buong Kidapawan City ang sinira ng EL Nino, ayon pa sa datos ng City Agriculture Office.
707 corn bags naman ang ibibigay na ayuda ng City Government para sa mga apektadong magsasaka.
Ang mga Farmers Association na ang mamamahagi ng corn seeds sa mga magsasaka sa 37 barangay.
Hinihintay na lamang ng City Agriculture Office ang mga palay seeds na ipapamahaging tulong naman sa mga rice farmers. ##(cio/lkoasay)

(photo credits to Mr. Psalmer S.Bernalte of CDRRMO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio