Bomb Drill matagumpay na isinagawa

You are here: Home


NEWS | 2019/07/03 | LKRO


thumb image

Bomb Drill matagumpay na isinagawa

KIDAPAWAN CITY – MATAGUMPAY NA isinagawa ang City Wide Simulation Bomb Drill na inorganisa ng mga lokal na otoridad sa lungsod July 2, 2019 ng hapon.

Layun ng aktibidad na suriin ang kahandaan ng City Government laban sa mga banta ng terorismo.

Pinangunahan ng CDRRMO, PNP at ng AFP ang simulation exercises na sorpresang isinagawa sa City Hiwalk at Datu Ingkal Street.

Sinadya na sorpresa at hindi ipinaalam sa publiko ang pagpapasabog ng improvised explosive device para masukat kung gaano kahanda ang publiko sakaling totoong mangyari man ito.

Ginawa ang pagpapasabog pasado ala una ng hapon kung saan ay agad nagmobilisa ang PNP, AFP , City Call 911, K9 Unit at ang Traffic Management Unit.

Kinordon ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog.

Sumunod naman ang pagkuha sa mga kunyaring sugatan na mga biktima ng ambulansya ng Call 911 sabay dala sa mga pagamutan.

Iginiit ng CDRRMO na bagamat simulated o kunyari lang ang bomb drill, ganito o mas komplikado pa ang mangyayari kapag nagkaroon ng totoong pag atake.

Bunga nito ay ipinanawagan ni City Mayor Joseph Evangelista sa lahat na maging mapagmatyag sa kasalukuyan upang maiwasan ang kahalintulad na IED attack sa Indanan Sulu kamakailan lang.

Ang bomb drill ay isa lamang sa mga pamamaraan ng mga otoridad na gawing ‘hard target’ ang Kidapawan City laban sa ano mang pag-atake ng mga masasamang loob.

Ang bomb drill ay nagsilbing kick off ng pagdiriwang ng 2019 Disaster Awareness Month sa lungsod.

Tema ng pagdiriwang ay KATATAGAN SA KALAMIDAD ay Makakamtan Kapag Sapat ang Kaalaman sa Kahandaan.##(cio/lkoasay)

(photo courtesy of CDRRMO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio