Team Kidapawan City nag uwi ng medalya mula sa Mindanao Leg Muay Thai Championships 

You are here: Home


NEWS | 2019/07/23 | LKRO


thumb image

Team Kidapawan City nag uwi ng medalya mula sa Mindanao Leg Muay Thai Championships

KIDAPAWAN CITY – NAGWAGI NG LIMANG GINTO, LIMANG PILAK AT APAT NA TANSONG Medalya ang mga pambato ng Kidapawan City sa Mindanao Leg Muay Thai Association of the Philippines Championships kamakailan lang.
Nasa ikalimang pwesto ang Kidapawan City mula sa labing isang Mindanao Cities na sumabak sa nasabing torneo na ginanap sa Butuan City. 
Dalawang Teams ang kumatawan sa lungsod sa nabanggit na torneo.
Kidapawan team A sa pangunguna nina coaches Sifu Ritchies Solano at Ramel Eting at AKMA Apo Kochi Ryu Martial Arts ni Coach Augustus Guhiling.
Nakipagbakbakan sila laban sa mga Muay Thai athletes ng Davao City, Gensan, Zamboanga, Butuan at iba pang malalaking lungsod ng Mindanao.
Nagwagi ng gold sina Sofrino John Pepugal, Christian Jay Boquerin, at Jhoniel Aquino ng Kidapawan team A at Jester Cangayda ng Team Apo Kochi Ryu Martial Arts Kidapawan.
Silver medalists naman sina Chris Wilfred Dellona, Felix Alfonso Bilbao, Christian Nudalo at Vince Galon ng Kidapawan team A at si Heimweir Cangayda ng AKMA.
Bronze medal winners naman sina Carl Pajes ng Kidapawan team A at sina Xiris Shane Ayob, John William Ayob at Julie Pearl Asopre ng AKMA.
Personal silang pararangalan ni City Mayor Joseph Evangelista sa July 2019 Convocation Program ng City Government ngayong linggo tanda ng kanilang matagumpay na kampanya sa prestihiyosong torneo ng Muay Thai sa Pilipinas.
Kabilang silang lahat sa One Team, One City One Goal Sports Development Program ng Kidapawan City Government at partner agencies nito.. ##
(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio