BUDGET NA PAMBILI NG COVID19 VACCINES APRUBADO NA NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

You are here: Home


NEWS | 2021/01/19 | LKRO


thumb image

January 19, 2021

BUDGET NA PAMBILI NG COVID19 VACCINES APRUBADO NA NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

KIDAPAWAN CITY – APRUBADO NA SA Sangguniang Panlungsod ang pagdedeklara ng State of Calamity at paggamit ng 30% Quick Response Fund ng CDRRMO para makabili na ng kinakailangang bakuna kontra Covid19.

Una ng umapela sa mga miyembro ng konseho si City Mayor Joseph Evangelista sa isinagawang special session nitong umaga, upang hilingin ang pag-aapruba ng Resolution numbers 1, 2 and 3 s, 2021 ng CDRRMC.

Resource peson sa nabanggit na special session ang alkalde kung saan ay ipinaliwanag niya ng lubusan ang kahalagahan ng pagbili ng Covid19 vaccines na abot sa Php 28 Million ang inilaang pondo ng City Government na pambili nito.

“ Any second that we delay the purchase of vaccine is endangering the lives of our people. That we cannot afford.”, apela pa ni Mayor Evangelista sa SP.

Tanging bakuna na aprubado ng Department of Health, Bureau of Food and Drug Administration at ng National Inter Agency Task Force on Covid19 at may 70% efficacy rate pataas ang bibilhin ng City Government, pagtitiyak pa ni Mayor Evangelista.

45,901 ang target na mabakunahan sa ilalim ng plano ng City Government.

Pinangunahan ni SP Committee Chair on Legal Matters and Good Governance Chair Melvin Lamata, Jr bilang Presiding Officer ang Special Session dahil na rin sa hindi pagsipot ni City Vice Mayor Jivy Roe Bombeo.

Kumpleto din ang presensya ng lahat ng mga konsehal maliban na lang kay City Councilor Ruby Padilla – Sison.

Sa isang Executive Order number 007 s. 2021 na inilabas ni Mayor Evangelista ngayong araw, may inilatag na na programa at sistema ng pagbabakuna ang City Government upang masegurong maipapatupad ng tama ang vaccination.

Ayon pa sa alkalde, maliban pa sa mga frontliners plano ring isali sa bibigyan ng bakuna ang mga senior citizens, mga tricycle at habal habal drivers, mga nagtitinda sa Mega Market, kagawad ng media, at public school teachers.

Maliban kasi na madaling mahawaan ng sakit ang mga nakakatanda, ang ibang mga nabanggit na targeted sectors ay ‘ regular na nakikisalamuha sa tao, kaya at posibleng mahawaan ng sakit’.

Tripartite ang magiging sistema ng pagbili ng bakuna dahil pipirma sa isang kasunduan ang DOH/IATF para sa National Government, ang mismong Pharmaceutical company na magsu-supply ng bakuna at ang City Government.

Kaya at dapat ng kumilos ang City Government na maaprubahan ang pagbili ng bakuna lalo pa at nagkukumahog at nag-uunahan na ang iba pang Local Government Units sa bansa na makabili ng Covid19 vaccines, ani pa ni Mayor Evangelista.## (CIO/JPE/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio