High risk pregnant women nakinabang sa launching ng supplementary feeding program sa Barangay Singao

You are here: Home


NEWS | 2021/07/07 | LKRO


thumb image

High risk pregnant women nakinabang sa launching ng supplementary feeding program sa Barangay Singao

KIDAPAWAN CITY (July 6, 2021). – UPANG matutukan ang pagdadalantao at mapangalagaan ang kanilang kalusugan, abot sa 12 na mga high risk pregnant women ang nakabiyaya sa ginanap na launching ng supplemental feeding program ngayong umaga sa Barangay Singao, Kidapawan City.

Ayon kay City Nutrition Action Officer Melanie Espina, bahagi ito ng ika-47 Nutrition Month ngayong Hulyo, 2021na may temang “Malnutrisyon Patuloy na Labanan, First 1,000 Days Tutukan”.

Sinabi ni Espina na bilang mga high risk pregnant women ay maituturing na sensitibo o maselan ang kanilang kondisyon.

Kabilang dito ang mga babaeng nagbuntis na ang edad ay 17 pababa pati na iyong mga nagbuntis na edad 35 pataas, dahil sa kanilang kalusugan o health concerns.

Pinangunahan naman ni Kidapawan City Councilor Maritess Malaluan, Chair ng SP Kidapawan Committee on Health, Kidapawan City Acting Information Officer Atty. Jose Paolo Evangelista, Local Council for the Protection of Children member Janice Garcia, at Barangay Singao Chairman Eduardo Loma ang ceremonial distribution ng masustansiyang pagkain para sa mga buntis tulad ng gatas, itlog, vitamins at iba.

Nagpasalamat si Loma sa pagsisikap ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Health Office na matulungan ang mga high risk pregnant women sa kanyang barangay.

Nakiisa din sa aktibidad sina City Councilor Galen Ray Lonzaga at Rosheil Gantuangco-Zoreta na bahagi ng Health and Wellness at Vaccination Rollout Program ng Kidapawan City.

Bilang bahagi naman ng kanilang adbokasiya at para matutukan ang pagbubuntis ng mga batang ina, hinihikayat sila ng Barangay Health Station na magpa pre-natal check up o magpakonsulta bawat buwan. Ito ay upang maging maayos ang kanilang pagbubuntis hanggang sa makapanganak, ayon kay Grace Catigom, isa sa mga Barangas Nutrition Scholar (BNS) ng Barangay Singao. Nagpasalamat naman ang mga buntis na nakiisa sa programa sa biyayang natanggap at sa mga payo at tips na kanilang napag-alaman sa programa at nangakong aalagaan ang mga sarili hanggang sa makapanganak. (CIO/JSCJ)

#Laking1000

#2021NutritionMonth

#LabanKidapawan

#WeHealAsOneKidapawan



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio