MGA NASIRAAN NG TAHANAN SA LUNGSOD DAHIL SA OCTOBER 2019 EARTHQUAKE NAKATANGGAP NG EMERGENCY SHELTER ASSISTANCE MULA SA DSWD

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2021/12/09 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – NATANGGAP na ng ang mga nasiraan ng mga tahanan sa nakaraang October 2019 earthquakes ang Emergency Shelter Assistance o ESA ganundin Ang Cash for Work payment mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD nitong December 9-10, 2021.

Tumanggap ng P32,520 ang bawat pamilyang na totally damaged ang bahay at P11,260 naman para sa mga partially damaged mula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod na una ng na-validate ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO.

Kaugnay nito, P30,000 para sa ESA at additional 2,520 para sa Cash for Work sa mga totally damaged habang P10,000 ESA at P1,260 naman na Cash for Work para sa mga partially damaged, ayon naman sa Regional DSWD Office na siyang nag-abot ng tulong pinansyal sa mga beneficiaries.

Tinanggap ng unang batch ng mga beneficiaries ng ESA sa ginanap na releasing sa Multi-Purpose building ng Kidapawan City Pilot Elementary School.

Kasabay nito ang releasing din para sa iba pang beneficiaries ng ayuda na ginanap sa covered court ng Barangay Poblacion sa may Sinsuat street at sa Barangay Balindog ngayong ara

Bunga ito ng pagsisikap  ni City Mayor Joseph Evangelista na i-follow up sa DSWD ang pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan o nasiraan ng bahay dahil sa malalakas ng paglindol noong October 2019, ayon kay City Councilor Lauro Taynan, Jr na siyang naging kinatawan ng alkalde sa ceremonial giving of Emergency Shelter Assistance.

Ipapahabol naman ng Sangguniang Panlungsod sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipapadala sa DSWD para makatanggap din ng tulong ang iba pang nasiraan ng mga tahanan bunga ng lindol, dagdag pa ni Taynan.

Mahigit sa tatlong libong mga households sa Kidapawan City ang makatatanggap ng ESA mula sa pamahalaan ngayong December 9-10, 2021. ##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio