PORK PRODUCTS MAHIGPIT NA IPAGBABAWAL NA DALHIN NG MGA CLIMBERS PAAKYAT SA MT. APO

You are here: Home


NEWS | 2022/05/27 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – MAHIGPIT na ipagbabawal ng City Government of Kidapawan ang pagdadala ng pork products sa mga aakyat ng Mt. Apo.

Ang pagbabawal ay bunsod na rin ng posibleng pagkalat ng African Swine Fever o ASF sa lugar na bago lamang nakitaan ng isang warty pig o ‘baboy ramo’ na isang vulnerable specie ng hayop na nahaharap sa extinction o malapit ng maubos kapag hindi naagapan.

Maari kasing makain ng mga baboy ramo ang pork products na kontaminado ng ASF at magresulta sa pagkakahawa ng ibang kahalintulad na hayop na maituturing na endemic sa lugar.

Ang pagbabawal ay ipinabatid ni City Tourism Supervising Officer Gillian Lonzaga sa panayam ng local media kung saan magkatuwang ang kanyang opisina at ang Office of City Veterinarian sa naturang gawain. 

Mahigpit na imomonitor, ayon pa kay Lonzaga, ang mga climbers sa pagdadala ng ipinagbabawal na pork products na dadaan sa Kidapawan trail.

Kukumpiskahin ng City Government ang naturang mga produkto at magbabayad ng kaukulang penalties ang sino mang lalabag sa regulasyon sa pagbabawal ng pagdadala ng pagkaing nagmula sa karneng baboy paakyat ng Mt. Apo, ani pa ni Lonzaga.

Sinabi din ng opisyal na ipatutupad din sa iba pang munisipyo na may mga trail paakyat sa Mt. Apo ang pagbabawal sa pagdadala ng pork product patungo sa lugar.

Kasagsagan ng Mt. Apo Summer Climb sa nakalipas na semana santa ng natuklasan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Region XI ang presensya ng Philippine warty pig o may scientific name na Sus philipppinensis na endemic sa lugar.

Bagama’t nahaharap sa extinction, positibo ang DENR na ang presensya ng Philippine warty pig ay patunay lamang na bumabalik na ang dating sigla ng kalikasan sa Bundok Apo. ##(CIO)

Photo Credit: DENR RXI Davao



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio