NEWS | 2022/09/30 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (September 30, 2022) – BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Family Week ngayong Sep 26-Oct 3, 2022, magsasagawa ng job Fair ang Public Employment and Service Office (PESO) katuwang ang City Social welfare and Development Office (CSWD) ngayong araw na ito ng Biyernes, Sep 30, 2022.Kaugnay nito, abot sa pitong local companies at isang overseas agency ang nakatalaga ngayon sa Kidapawan City Gymnasium at magbibigay ng oportunidad para sa mga job seekers mula sa Lungsod ng Kidapawan at mga residente ng kalapit na mga munisipalidad ay maaaring magsumite ng kanilang application at mga credentials, ayon kay Herminia C. Infanta, PESO Manager.Narito naman ang talaan ng mga local companies at mga job opening:Sykgo Marketing – Cashier, Collector, Credit and Collection OfficerCotabato Sugar Central Company, Inc. – Health and Safety Officer, Staff Engineer, Quality Assurance Staff, Quality Assurance Section Head, Partner Relationship Management StaffGaisano Grand Mall – Stock in Charge, Customers Service Staff, Warehouse Staff, Receiving Staff, Electrical Engineer, Mechanical Engineer, Cashier, Sales Assistant, Sales Utility Clerk, Bagger, Re-filler, Utility ManCooperative Bank of Cotabato – Account Officer, Collection Clerk, Micro-finance Clerk, VXI Global Holdings B.V. – Customer Service Champion, Technical Support Expert, Sales Representative Home Credit – Sales AssociateToyota Kidapawan – Marketing Professional, Parts Warehouseman, Service Billing, Skilled Maintenance PersonnelSamantala, ang Zontar Manpower Services (overseas agency) ay naghahanap ng sumusunod: Waiter (bound for Qatar), Receptionist (bound for Qatar), at Care Worker (bound for Japan).Layon ng aktibidad na mabigyan ng mas malaking pagkakataon ang mga job seekers na makahanap ng mapapasukan na angkop o match sa kanilang kakayahan bilang mga manggagawa.Itinaon ang Job Fair sa kasagsagan ng Family Week celebration sa lungsod sa pangunguna ng CSWD kaya naman inaasahan na magbibigay ito ng oportunidad sa mga pamilya na makabawi mula sa negatibong epekto ng COVID-19 pandemic at makatulong sa pag-angat ng antas ng pamumuhay ng pamilya, ayon kay CSWD Officer Daisy P. Gaviola, CSWD. (CIO-jscj//nl//if)