LABING-APAT NA PEOPLES ORGANIZATIONS SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN NABIYAYAAN NG FARM TOOLS SA ILALIM NG NTF-ELCAC

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/12/13 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 12, 2022) – LABING-APAT na mga Peoples Organizations mula sa Kidapawan City ang nabigyan ng one set of farm tools sa ilalim ng National Task Force TO End Local Communist Armed Conflict o NTF ELCAC.
Sa isang simpleng turn-over ceremony na ginanap sa City Hall Lobby na pinangunahan ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army ay ibinigay ang mga farm tools sa mga presidente ng mga POs.
Ito ay sa pamamagitan ni 1Lt Charles Ian Parel, representante ni LtCol Ezra Balagtey, Battalion Commander ng 39th IB.
Ang mga benepisyaryong PO ay mula sa mga Barangay ng Linangkob, Marbel, Sikitan, San Isidro, Katipunan, Gayola, Malinan, Perez, Sto Nino, New Bohol, Singao, Balabag, at San Roque.
Bawat PO ay tumanggap ng wheel borrow, garden shovel, shovel, rake, pick axe, machete (bolo), watering can at seedlings o 1 set of farm tools mula sa Department of Agriculture 12 na partner agency naman ng NTF ELCAC.
Ang Armed Forces of the Philippines ang lead agency o siyang naatasang manguna sa pagpapatupad ng NTF ELCAC sa mga barangay.
Sinaksihan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang turn over kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan na sina Judith Navarra, Francis Palmones, Jr., Galen Ray Lonzaga, Mike Ablang, ABC Fed Pres Morgan Melodias, at SK Fed Pres Cenn Teena Taynan.
Sa ilalim ng NTF ELCAC ay makikinabang ang isang barangay partikular na ang mga residente na dating nasa ilalim ng impluwensiya ng komunismo o komunistang grupo at babaguhin naman nito ang kanilang pamumuhay sa tulong ng pamahalaan.
Itinuturing itong whole-of-nation approach na inaasahang magpapanatili ng kapayapaan sa pagitan ng bawat sektor ng lipunan.
Itinatatag naman sa mga barangay ang samahan tulad ng PO upang maging mas matibay at mas maging maayos ang takbo ng livelihood program na ipagkakaloob sa kanila. (CIO-jscj//if/aa)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio