NEWS | 2022/12/29 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Disyembre 28, 2022)— Sa halip na mangamba o matakot ay ikinatuwa ng mga motorista at tricycle drivers na bumibiyahe sa lungsod ang pagsita sa kanila ng pinagsamang pwersa ng Highway Patrol Group (HPG), Traffic Management Enforcement Unit (TMEU), Kidapawan City Police Station (KCPS), at Public Safety Division sa ipinag-utos ni City Mayor Jose Paolo Evangelista na pagpapatupad ng isa na namang OPERATION DAKOP.Ito ang mga kaganapan ngayon sa kahabaan ng Quezon Boulevard, at iba pang lugar tulad ng Barangay Balindog, Barangay Sudapin, Apo Sandawa Homes, at national highway (Colegio de Kidapawan area) sa Lungsod ng Kidapawan. Ang lahat ng mga nakasuot ng helmet, kompleto at hindi expired ang papeles ng sasakyan at driverโs license ay pinahihinto at binibigyan ng tig-limang kilo ng bigas habang ang mga may vbiolation naman, sa halip na isyuhan ng T.O.P ay pinapayuhan lamang na mag-comply na dahil magkakaroon na ng mahigpit na implementasyon pagpasok ng taong 2023.Marami sa mga pinahinto ay may driverโs license, dala-dala ang kanilang mga O.R. at C.R. sa sasakyan at makasuot ng full face helmet ngunit may iilan pa ring kulang ang papeles at hindi nakasuot ng helmet, ayon kay Moises Cernal, Head ng TMEU.Sa bandang huli ay pinagsabihan din ang mga ito na palasging mag-ingat sa biyahe at tiyaking may suot na helmet at kailangang may lisensiya at papeles na bitbit o nakalagay sa sasakyan sa lahat ng oras.Mula naman sa pagkakaroon ng takot na nararamdaman ay biglang lumiwanag ang mukha ng mga law-abiding motorists nang sabihin sa kanila na may matatanggap silang bigas dahil sa kanilang seryosong pagsunod sa batas lalong-lalo na nang iabot ito sa kanila.Halos 1,000 supot naman ng tig-limang kilong bigas ang inihanda ni Mayor Evangelista para sa mga motoristang sumusunod sa batas.Matatandaan na namahagi ng gift pack na naglalaman ng Noche-Buena items at bigas ang City Government of Kidapawan bago ang araw ng Pasko ganundin ang pamimigay ng libreng helmet sa mga kwalipikadong motorista o mga driver na may lisensiya at kumpletong dokumento.Kaya naman pahayag ng mga motorista at tricycle drivers matapos masita: โMaraming maraming salamat sa City Government of Kidapawan at Mayor Pao Evangelista,โ sabay-sabay nilang bigkas.Nilinaw din sa kanila na dahil sa panahon ng Pasko ay magiging maluwag muna ang implementasyon ng โNo Helmet, No Travel Policyโ at wala munang maisyuhan ng Citation Ticket sa mga paglabag sa batas-trapiko ngunit sa halip ay gagamitin sa paala-ala na ihanda na nila ang kanilang mga helmet, ipaayos ang mga sasakyan at kumpletohin ang mga papeles at driverโs license dahil wala nang patawad sa sinumang mahuhuli sa OPERATION DAKOP sa susunod na taon o 2023. (CIO-jscj/pb//if//nl)