NEWS | 2022/12/29 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (December 28, 2022) β MASAYANG tinanggap ng mga nagwagi sa Kidapawan City Festival of Lights ang kanilang mga premyo sa ginanap na Awarding Ceremony sa City Hall Lobby ngayong araw na ito ng Miyerkules, December 28, 2022.Sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kasama ang iba pang opisyal ng City Government of Kidapawan ay iginawad ang mga premyo sa mga sumusunod: Villa Celedonia β 1st Place na nakatanggap ng P300,000; DOLE Stanfilco β 2nd Place P 200,000; at 3 Kids Online Shoppee (Bodega ni Carina β 3rd Place P100,000. Lahat sila ay tumanggap din ng Certificate of Recognition.Abot naman sa 33 ang bilang ng mga lumahok sa Festival of Lights kung saan un ana silang nabigyan ng tig P10,000 ng City Government of Kidapawan bilang counterpart o support.Dumaan naman sa masusing judging ang entries ng Festival of Lights o ang mga pine trees sa national highway (road island) na nilagyan ng mga ilaw at iba pang palamuti. Kabilang dito ang technical judging, longevity of lights, at energy efficiency.Samantala, masaya ding tinanggap ng mga nagwaging departamento o tanggapan ng LGU Kidapawan ang kanilang premyo sa LGU Offices Category β City Treasurerβs Office, 1st Place nakatanggap ng P30,000; Office of the City Veterinarian – 2nd Place P20,000; at CHRMO/CBO/CGSO (cluster offices) β 3rd Place P10,000 at lahat ay tumanggap din ng Certificate of Recognition.Kaugnay nito pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang mga lumahok sa Festival of Lights at hinimok na makiisang muli sa susunod pang mga taon para na rin sa ikasasaya ng mga mamamayan. (CIO-jscj//if/nl/dv)