NEWS | 2022/12/29 | LKRO
KIDAPAWAN (December 28, 2022) β LUBOS ang naging paghanga ng mga nanood ng Symphony of Sounds tampok ang LGU Kidapawan Choral kasama ang ilang inimbitahang magagaling na choral group sa naging performance ng mga ito na ginanap sa City Hall Lobby alas-tres ng hapon ngayong araw ng Miyerkules, Dec. 28, 2022.
Umawit ng ilang mga kantang pamasko ang LGU Kidapawan Choral na tumatak sa puso ng mga manonood.
Kabilang naman ang Voices of the South Childrenβs Choir, Dolce Chirdarum Ensemble, at Davao City Chorale sa mga bisitang mang-aawit at kumanta ng Kumukuti-kutitap, Carol of the Bells, Tissβ the Season at iba pang kinagigiliwang kantang pamasko.
Nagsilbing opener ang performance ng nabanggit na mga grupo sa ginanap na Awarding of Winners ng Kidapawan City Festival of Lights at Recognition of Outstanding Taxpayers for 2022.
Samantala, matapos ang nabanggit na mga aktibidad ay sobrang tuwa din ang hatid sa mga mamamayan sa ginawang fireworks display sa oval ground ng Kidapawan City Pilot Elementary School o KCPES kung saan libo-libong tao ang matiyagang nag-antay sa pagsisimula ng aktibidad.
Isang simbolo ng pasasalamat sa Diyos at sa patuloy na pagsigla ng ekonomiya ng lungsod ang naturang fireworks display, ayon kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista.
Nanguna si Mayor Evangelista sa ginanap na Awarding of Winners ng Festival of Lights, Recognition of Top 20 Sole Proprietorship Taxpayers and Top 20 Corporation Taxpayers at ng pinakaaantay na fireworks display. (CIO-jscj//if//nl/dv)