NEWS | 2023/03/31 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Marso 29, 2023) β ISANG makasaysayang araw para sa mga guro at mag-aaral ng Datu Igwas IP Integrated School sa Sitio Embasi, Barangay Perez, sa Lungsod ng Kidapawan ang araw na ito ng Miyerkules, Marso 29, 2023.Ito ay matapos isagawa doon ang turn-over ng isang school building project (4-classrooms) mula sa Consulate General of Japan in Davao sa ilalim ng Grant Assistance for Grassroots Human Security Projects na nagkakahalaga ng P5,116,874.05. Sinimulan ang konstruksiyon ng naturang proyekto noong May 2022 at natapos ngayong buwan ng Marso 2023 o katumbas ng 10 buwan at gagamitin ng mga estudyante ng Junior High School.Dumalo bilang panauhing pandangal ang mismong Consul General of Japan (nakabase sa Davao City) na si Yoshihisa Ishikawa kasama si Mindanao Childrenβs Library Executive Director Tomo Matsui at iba pang dignitary mula sa nabanggit na mga tanggapan.Sa hanay naman ng DepEd ay dumalo si Kidapawan Schools Division Superintendent Dr. Natividad Ocon, CESO VI at Datu Igwas IP Integrated School Teacher-in-Charge Johnny Serrano kasama ang mg guro at mga batang mag-aaral ng naturang paaralan.Nakiisa din sa mahalagang okasyon si Punong Barangay Jabert Hordista, Sr. at mga kagawad ng barangay upang saksihan ang turn-over kasama si Vivien Igwas na kumatawan kay Raden Igwas (LAMAD/CADT Chairman).Samantala, sa hanay ng City Government of Kidapawan ay dumalo bilang representante ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista si City Councilor Gallen Ray Lonzaga, City Planning and Development Officer Engr. Divina Fuentes, at mga pesonnel ng CPDO.Ipinadala naman ni Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza bilang representante sa okasyon si Board Member Ryl John Caoagdan ng 2nd District of Cotabato. Lahat sila ay nagpasalamat kay Consulate General Ishikawa sa pagbibigay ng proyekto na makatutulong ng malaki sa mga mag-aaral at magpapabago sa buhay ng mga taga Sitio Embassi. Magkasunod namang isinagawa ang Ceremonial turn-over of the key at ang cutting of ribbon and unveiling of marker kasama ang mga nabanggit na mga dignitary at iba pang bisita. (CIO)