NEWS | 2023/04/23 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Abril 23, 2023) โ MAS magiging sistematiko na ngayon ang takbo ng SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA Meet 2023.
Ito ay dahil sa ipatutupad na Digital Attendance System o DGS para sa mga athletes, coaches, trainers o mga technical officials, parents, at iba pang personnel na kabilang sa 5-day SRAA Meet na gaganapin sa Lungsod ng Kidapawan mula Abril 24-28, 2023.
Sa pamamagitan ng Digital Attendance System o DAS na isang web-based application ay mamo-monitor ng mabuti ang bawat manlalaro ganundin ang lahat ng mga kabilang sa SRAA Meet โ23.
Ang Communication Technology Office na nasa ilalim ng Office of the City Mayor ang naatasang magpatupad ng naturang sistema na magbibigay naman ng ibayong seguridad sa pagsasagawa ng SRAA Meet.
Isang linggo bago sumapit ang SRAA โ23 ay nagsagawa na ng online registration ang CTO sa mga athletes, coaches, trainers, mga magulang o caretakers at iba pang technical officials sa pamamagitan ng isang link kung saan kailangan ilagay ang ilang mahahalagang personal information tulad ng name, gender, address, sports event, email address, at contact number.
Matapos nito ay agad ding makakapag-generate ng QR Code ang DAS upang magiging basehan sa attendance ng isang indibidwal maging ito man ay sa billeting area o playing venues.
Para ito sa kaligtasan ng mga stakeholders ng SRAA Meet โ23 sa harap na rin ng mga posibleng nakaambang problema sa seguridad at maging sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa rehiyon dahil magagamit ito sa contact tracing.
Mismong mga guro ng DepEd Kidapawan City Schools Division na una ng sumailalim sa pagsasanay tulad ng scanning at reading nitong Abril 21, 2023 ang magpapatupad ng Digital Attendance System simula bukas Abril 24, 2023 sa pagbubukas ng SRAA Meet hanggang sa pagtatapos nito sa Abril 28, 2023.
Una ng ginamit ang Digital Attendance System sa pamamahagi ng hygiene kits sa mga billeting areas at napatunayan namang ito ay epektibo at walang palya.
Dagdag pa rito ay nagsagawa ng dry-run sa paggamit ng DAS ang mga guro kahapon, Abril 22 at ngayong araw Abril 23, 2023 bago ang opening day bukas.
Ito ang pinakaunang pagkakataon na mag-host ang Lungsod ng Kidapawan ng SRAA Meet na siya namang pinakamalaki at pinaka-aabangang sports event sa buong rehiyon.
Ito rin ang kauna-unahang SRAA Meet na gagamit ng sistematikong Digital Attendance System para makamit ang organisado at matiwasay na laro at matiyak ang kaligtasan ng bawat-isa na makikilahok sa aktibidad. (CIO)