NEWS | 2023/04/24 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Abril 24, 2023) โ BAGO paman pormal na magbukas ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA โ23 Meet sa Lungsod ng Kidapawan ngayong araw na ito ng Lunes, Abril 24, 2023, ay nagsagawa muna ng ceremonial tree planting activity ang mga partisipante at mga stakeholders ng palaro mula sa City Government of Kidapawan at Department of Education Region 12.
Matagumpay nilang naitanim ang abot sa 1,500 seedlings ng pine trees (Agoho) sa kahabaan ng national highway ng Barangay Balindog, Barangay Paco, Barangay Binoligan, at Barangay Amas (Road right-of-way Balindog-Amas boundary) ganap na alas-siyete ng umaga.
Nanguna sa tree planting si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kasama ang mga Department Heads ng City Government at ang mga counterpart mula sa Department of Education SOCCSKSARGEN o Region 12 sa pangunguna ni Regional Director Dr. Carlito O. Rocafort at iba pang mga dignitaries mula sa kagawaran kabilang ang Schools Division ng General Santos City, Cotabato Province, Koronadal City, Sarangani Province, South Cotabato Province, Sultan Kudarat Province, Tacurong City at Kidapawan City.
Humigit-kumulang sa 200 seedlings ang naitanim ng bawat delegation, ayon kay City Environment and Natural Resources Officer o CENRO Engr. Edgar Paalan.
Ikinatuwa ng mga partisipante mula sa DepEd ang aktibidad dahil naging bahagi sila ng Canopy 25 project ng administrasyon ni Mayor Evangelista na isa sa pinakamahalagang proyektong naglalayong mailigtas ang buhay ng susunod na mga henerasyon mula sa mga kalamidad tulad ng malawakang flashfloods.
Layon ng Canopy 25 sa pangunguna ng CENRO bilang lead office na makapagtanim ng abot sa 2.5 milyong punong-kahoy (endemic trees) sa mga piling lugar sa lungsod kabilang na ang mga riverbanks, watersheds at maging sa bahagi ng national highway at maging daan upang ma-mitigate o mabawasan ang mga matitinding bah ana sumisira ng buhay at ari-arian.
Inilungsad ang Canopy 25 sa bahagi ng Sarayan River, Barangay Ginatilan, Kidapawan City noong Pebrero 21, 2023 bilang mahalagang component ng pagdiriwang ng 25th Charter Anniversary ng Kidapawan City. (CIO)